​​

Paano Gumawa ng Coffee Jelly

Mahilig talaga tayong mga Pinoy sa dessert, mainit man o malamig ang panahon. At kahit nga tag-ulan at malamig ang panahon ay kakain pa rin ng malamig na panghimagas gaya ng halo-halo, at syempre, hindi mawawala ang coffee jelly. Sa artikulong ito, ituturo naming kung paano gumawa ng coffee jelly. Isa rin itong paraan para sa mga nagke-crave sa kape. Pwede rin kung nagsasawa ka na sa karaniwang dessert na gaya ng leche flan.

Ang recipe na ito ay simple lang ang paraan at simple lang din ang mga sangkap. Karaniwang mabibili sa palengke o sa paborito ninyong grocery store.

Alam namin na natatakam ka na sa kape kaya simulan na natin ang paggawa ng coffee jelly.

Mga Sangkap sa Paggawa ng Coffee Jelly:

  1. Dalawang (2) lata ng All Purpose Cream
  2. Dalawang (2) lata ng condensed milk
  3. Isang (1) sachet ng powdered chocolate (Milo o Swissmiss, pwede na)
  4. 15 mg kape (3 full tablespoons), ‘yung non-decaf, para matapang (at kaya kang ipaglaban)
  5. Isang (1) pack ng unflavored o black gulaman
  6. Asukal para dagdag sweetness at magkalasa ang iyong buhay.

Mga Hakbang Kung Paano Gumawa ng Coffee Jelly:



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.
  1. Iluto ang gulaman ayon sa instructions ng iyong nabili.
  2. Sa partikular na brand na aming nabili, kinakailangang pakuluan ang powder sa 8 cups ng tubig.
  3. Mag-hulog ng kaunting amount ng asukal bilang pampalasa.
  4. Ihalo rin ang 15 mg ng kape sa gulaman.
  5. Halu-haluin ang niluluto sa kalan upang hindi kumapit sa ilalim ng kawali.
  6. Kapag malapot na, maaaring isalin sa mga containers ang jelly upang tumigas ito.
  7. Paghaluin ang all purpose cream at ang condensed milk sa isang lalagyanan.
  8. Matapos ang kalahating oras, malamig at umigas na ang jelly. Hiwain ito ng pa-cubes.
  9. Ibuhos ang hiniwang gulaman sa mixture ng condensed milk at all purpose cream. Haluin ito upang ma-distribute ng maayos ang krema sa jelly.
  10. Panatilihing malamig sa refrigerator.

Pwede mo ring panoorin ang video na ito sa YouTube ni Ojo and Eka.

At ngayon, alam mo na kung paano gumawa ng coffee jelly, pwede mo na itong ma-enjoy bilang panghimagas matapos ang isang masarap na kainan. Mas mainam kung malamig itong ihahain sa pamilya.

error: Content is protected !!