​​

Paano Gumawa ng Leche Flan o Leche Plan

Kung ikaw ay naghahanap ng masarap na minatamis o pampatanggal umay, o kaya naman ay naghahanap ng mapapagkakitaan, baka ang all-time favorite na leche flan na ang hinahanap mo. At syempre, narito ang article na ito para ituro sa iyo kung paano gumawa ng leche flan.

Ang leche flan ay isa sa mga paboritong panghimagas (dessert) ng mga Pilipino, nasaan man sa mundo. Sabi nga nila, espesyal kapag may leche flan, parang sa haluhalo. Matamis, creamy… basta! Kakaiba kapag may leche flan sa hapag kainan.

Dahil na rin sa pagiging paborito nito ng nakararami, masasabi natin na maganda itong business lalo na sa panahon na malapit na ang mga okasyon – Birthday, Fiesta, Pasko. O kahit nga walang okasyon ay pwedeng pumatok ang leche flan business. Pwede mo kasi itong ibenta offline, ialok sa mga kailala, o ibenta online sa Facebook.

Paano Gumawa ng Leche Flan

Narito ang mga sangkap at paraan kung paano gumawa ng leche flan.

paano gumawa ng leche flan

Mga Sangkap ng Leche Flan

Paraan kung paano gumawa ng Leche Flan

  1. Sa isang malaking lalagyan, paghaluin ang lahat ng pula ng itlog, condensed milk at evaporated milk, asukal na puti, vanilla extract at asin. Siguraduhing maayos ang pagkakahalo para pantay ang lasa.
  2. Gumawa ng caramel sa isang kawali o hiwalay na lutuan. Paghaluin lang ang 1/2 tasa ng tubig at 1 tasang asukal na pula. Isalang sa mahinang apoy at hayaang kumulo hanggang mag-caramelized.
  3. Ibuhos ang caramel nang magkakasingdami sa mga llanera. Ikalat, at hayaang lumamig.
  4. Kapag malamig na, marahang ibuhos ang naunang mixture ng itlog, condensed milk at evaporated milk sa loob ng mga llanera na nilagyan ng caramel. Huwag punuin ang mga llanera. Kahit hanggang 3/4 lang ng llanera ay ayos na.
  5. Takpan ang mga llanera. Maaaring gumamit ng aluminum foil bilang pantakip sa mga ito.
  6. Lutuin na ang leche flan. Ilagay ang mga may lamang llanera sa steamer. I-steam ng 30-40 minuto.
  7. Kapag luto na, alisin na sa steamer at palamigin.
  8. Ilagay sa refrigirator at palamigin sa loob ng at least dalawang oras. Huwag i-freezer.
  9. Ilipat sa plato at ihain na.

Tips:

  • Ihanda ang mga llanera bago magluto para mas organisado.
  • Mas pinipili ng iba na bawasan ang asukal at magdagdag na lang ng gatas. Mas smooth at mas creamy kasi ang leche flan kapag ganoon ang mixture.
  • Kung gagawa ka ng leche flan bilang pang negosyo, mag-eksperimento ka sa mga hugis. May mabibili naman na ibang hugis ng llanera, hugis puso, star, at iba pa.
  • Leche flan with a twist? Ano kaya? Any idea? Ano kaya kung leche flan with cheese? Pwede di ba?
Loading...

Sana ay nasundan mo nang maayos ang paraan kung paano gumawa ng leche flan. Gawin mo na kaagad! I-post mo sa Facebook at i-tag mo ang aming Facebook Page >> https://www.facebook.com/PaanoHow.

Comments

comments

error: Content is protected !!