​​

Paano Gumawa ng Graham Balls

Isa sa mga pinakamadaling gawin na panghimagas ay ang graham balls. Simple lang kasi ang mga sangkap at paraan kung paano gumawa ng graham balls. Sa katunayan ay madali lang mahanap ang mga ingredients nito sa mga supermarket o grocery store. At hindi lang iyan dahil mura lang ang mga ingredients nito. Kaya naman isa rin itong magandang idea para sa pagnenegosyo dahil hindi mo kakailanganin ang malaking puhunan.

Isa-isahin natin ngayon ang mga sangkap at mga paraan kung paano gumawa ng graham balls. At syempre, sasamahan natin ng mga karagdagang tips para mas masarap o mas presentable ang iyong gagawing graham balls.

Simulan na natin!

Paano Gumawa ng Graham Balls

Mga sangkap:

  • 2 (200 grams) packs crushed graham crackers
  • 1 can (300 ml) condensed filled milk

Dalawa lang ang sangkap para makagawa ng graham balls. Crushed grahams at condensed filled milk lang, makakagawa ka na ng graham balls. Pero syempre, mas masarap kung may fillings.

Fillings:

  • medium-sized marshmallows

Pinakapopular ang marshmallow bilang fillings ng graham balls. Iyon ang gagamitin natin ngayon. Pero hindi lang marshmallows ang pwedeng gamitin na fillings. Pwede ka ring gumamit ng kahit na alin sa sumusunod:

  • pastillas
  • ube
  • chocolate
  • nuts
  • oreo o kahit anong cookies
  • peanut butter
  • cheese

Marami pang pwedeng gamiting fillings. Be creative!

Coating:

  • crushed graham

Sa coating naman, crushed graham na rin ang ating gagamitin. Pero gaya ng fillings, pwede rin naman gumamit ng ibang coating. Tignan ang mga sumusunod na idea:

  • powdered milk
  • chocolate powder
  • rainbow sprinkles
  • chocolate
  • candy-coated chocolate

Paggawa ng Graham Balls

Paalala: Maghugas ng kamay o gumamit ng plastic gloves.

  • Ilagay ang 2 packs ng crushed grahams sa isang kaldero o kahit na anong malaking lalagyan.
  • Bawasan nang kaunti para gamitin bilang coating. Ilagay ito sa isang plato.
  • Buksan ang lata ng condensed milk at ibuhos sa crushed graham na nasa kaldero.
  • Haluing mabuti hanggang sa mabasa lahat ang crushed graham ng condensed milk.

  • Kumuha ng maliit na bahagi. Ito ang bibilugin para maging graham balls.
  • TIP: Lagyan ng margarine ang kamay para hindi dumikit ang crushed graham sa kamay o gwantes. Pwede ring gumamit ng mantika.

  • Piratin sa kamay at lagyan ng fillings (marshmallows) sa gitna o kahit na anong fillings na mapili mo.
  • Takpan ang fillings at bilugin ang crushed graham.
  • Pwedeng maglagay ng ilang piraso ng candy-coated chocolate sa labas ng graham ball.

  • Pagulungin ang graham ball sa ibinukod na crushed graham Ito na ang magsisilbing coating. Pero sabi nga kanina, pwedeng gumamit ng ibang coating.

  • Ilagay sa isang lalagyan ang mga natapos.
  • Pwedeng palamigin sa refrigerator.
  • Ihain na!

O di ba? Simple lang ang paggawa ng graham balls? Payo lang namin, maging creative lang sa paggawa ng graham balls. Marami kasi pwedeng gawin sa itsura at sa lasa. Gawin mong personalized ang gagawing graham balls. Signatured, kumbaga.

So, ngayong alam mo na kung paano gumawa ng graham balls, share mo na ‘tong post na to para malaman din ng mga friends mo. Magpasarapan kayo ng gagawing graham balls.

Loading...

May ibang idea ka ba para sa graham balls fillings o coating? Share mo naman sa amin sa comment! Please also LIKE our Facebook Page >> PaanoHow.

Comments

comments

error: Content is protected !!