​​

Paano Gumawa ng Ice Cream (Milo Recipe)

Isa sa mga paboritong pampalamig ng mga Pinoy ang pagkain ng ice cream. Paborito rin itong dessert, mainit man o malamig ang panahon. Kung minsan pa, sinasabi pang gamot raw ito sa ubo. Pero kahit ano pa man ang dahilan, hindi maipagkakailang gusto talaga natin ang pagkain ng ice cream. At ang tanong ngayon, gusto mo bang gumawa ng ice cream? Gusto mo bang matutunan kung paano gumawa ng ice cream? Kung oo ang sagot mo, e di, tara! Gawa tayo ng ice cream.

Nakuha ko ang recipe na ito sa isang post sa Facebook Page ng Chef n Meals. Nakakatuwa kasi napakasimple lang ng paraan. At simple lang din ang flavor – MILO. So, yung paborito mong chocolate drink, pwede nang maging ice cream. Beat energy gap na, cool pa!

paano gumawa ng ice cream milo

Paano Gumawa ng Ice Cream (Milo Recipe)

Mga sangkap sa paggawa ng Milo ice cream:

  • 3 packs of 250 ml All Purpose Cream 
  • 3 cans of 168 ml Sweetened Condensed Milk
  • 3 packs of 88 g Milo powder
  • Toppings Mini Marshmallows and Sprinkles (optional)

Sa mga sangkap na iyan ay makakagawa tayo ng approximately 1.3 L ng Milo ice cream. Pwede ka naman gumamit ng ibang sweetened chocolate powder gaya ng Ovaltine or Chocquik, kung alin ang mas gusto ng panlasa o budget mo. Kung nais mo namang dagdagan o bawasan ang dami ng magagawang ice cream, sundin mo lang ang ratio na 1 pack of 250 ml All Purpose Cream = 1 can of 168 ml Sweetened Condensed Milk = 1 pack of 88 g Milo powder. Yung toppings naman ay optional lang. Pwedeng wala na niyan. Pwede ka rin gumamit ng ibang toppings gaya ng nuts, cookies, cheese, fruits, leche flan, coated chocolate (nips), at iba pa.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Narito naman ang mga hakbang kung paano gumawa ng ice cream:

  1. Palamigin muna ang all purpose cream sa loob ng hanggang 4 na oras. Huwag munang bubuksan ang mga pakete ha? Palamigin lang muna.
  2. Matapos palamigin, ilagay na sa isang malaking lalagyan. Batihin ito hanggang sa mangapal. Kung gagamit ng machine, 3-5 minutes ang itatagal nito pero kung manual mo itong gagawin ay matatagalan ka. Pero huwag mong sukuan, masarap naman ang magiging output niyan.
  3. Ihalo na ang sweetened condensed milk habang patuloy na binabati ang mixture. Siguraduhing magiging pantay ang pagkakabati at pagkahalo.
  4. Pwede mo nang ihalo ang milo powder. Haluin mo pa ring mabuti para maging pantay ang lasa.
  5. Ilipat ng lalagyan. Pwedeng sa mga naitabi mong lumang lalagyan ng ice cream. Basta siguraduhing malinis ha? O kaya naman ay sa mga maliliit na ice cream cups.
  6. Lagyan na ng toppings.
  7. Takpan at patigasin na sa freezer sa loob ng 6-10 oras.

Ayan. Okay na! Simple lang di ba? Medyo nakakapagod lang yung pagbati sa cream at medyo matagal ang paghihintay para tumigas ang ice cream pero magiging sulit naman ang pagod mo kapag natikman mo na ang ice cream na sariling gawa mo.

Narito naman ang video ng procedure na ito mula pa Youtube channel ng Chef n Meals:

error: Content is protected !!