​​

Paano Gumawa ng Ice Scramble (Iskrambol)

Ang Ice scramble o iskrambol ay kilalang street food dito sa atin sa Pilipinas. Karaniwang mabibili doon sa mga iskramble vendor na nakabisekleta. Bukod pa doon, nagkaroon na rin ng iba’t ibang variation ang Ice Scramble. Tara! Alamin natin ngayon kung paano gumawa ng ice scramble o iskrambol.

Marami nang recipe ngayon ang ice scramble. May mga iba’t ibang flavor pa nga at iba’t ibang topping din. Bagay na bagay sa iba’t ibang panlasa. At syempre, bukod sa masarap na, okay na okay pa itong pampalamig lalo na kapag mainit ang panahon.

Tara na! Alamin na natin ngayon kung paano gumawa ng Ice Scramble para may pampalamig ka na at malay mo, maging pang negosyo mo na rin. Automatic dagdag kita na agad para sa iyo.

Paano gumawa ng Ice Scramble (Iskrambol)?

Pangunahing sangkap ng ice scramble ang shaved ice. Kung ang kadalasang nakikita ninyong ice scramble ay kulay pink, iyon ay dahil sa may halo nang food coloring. Para, syempre, mas masarap sa paningin. Hinahaluan din ito ng evaporated milk para mas creamy at asukal para mas matamis, o kaya pwede din naman na condensed milk ang gamiting pampatamis.

[BASAHIN] Paano Gumawa ng Coffee Jelly

Mga Sangkap sa Paggawa ng Iskrambol

  • 4 cups ng shaved ice
  • 1 cup ng evaporated milk
  • 2-3 kutsaritang asukal na puti or (1 cup ng condensed milk)
  • 1/2 kutsaritang banana extract
  • 10 drops ng food coloring (any color pwede pero kung classic ang gusto mo, gamit ka ng red para magkulay medyo pink ang iskrambol mo)
  • powdered milk or powdered skim milk
  • (toppings, pili ka na) mini marshmallows/ sprinkles/ rice crispies
  • chocolate or strawberry syrup

Paraan kung paano gumawa ng ice scramble:

  1. Ihanda ang shaved ice sa isang lalagyan.
  2. Paghaluhaluin ang evaporated milk, asukal o condensed milk, food coloring, at banana extract sa isang lalagyan.
  3. Paghaluin na ang shaved ice at ang flavor mixture ng evaporated milk, asukal, banana extract at food coloring. Pwede kang gumamit ng blender.
  4. Ilagay sa mga baso. 4-6 na baso ay kasya ito.
  5. Lagyan ng toppings: powdered milk, chocolate or strawberry syrup, mini marshmallows at iba pa.

Yan! Pwede mo nang ihain ang nagawa mong iskrambol. O kaya naman ay pwede ka nang magbenta. Try mo!



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.
error: Content is protected !!