​​

Paano Gumawa ng Online Shop sa Facebook

Sa modernong panahon ngayon na halos lahat ay may mga iba't ibang gadgets na connected sa internet, nauso na rin ang pamimili sa internet. Maraming bagay na ang pwede mong bilihin sa internet. At magandang oportunidad din ito kasi ikaw mismo ay pwede na ring magbenta sa internet. Isa na nga sa mga pamamaraan dito ay ang Facebook. Alam mo bang pwede kang gumawa ng online shop gamit ang Facebook? Huwag nang alalahanin kung paano dahil narito kami para ituro kung paano gumawa ng online shop sa Facebook.

Marami kang pwedeng ibenta sa internet, gaya na lamang ng mga crafts o kaya naman ay mga digital contents o kaya naman ay services. Nagbukas ang internet ng napakalaking oportunidad para sa lahat. At dahil sa sikat sa lahat ang Facebook, napakagandang oportunity nito para sa iyo na mas makabenta.

Simulan na natin.

Paano Gumawa ng Online Shop sa Facebook?

paano gumawa ng online shop sa facebook

Step 1: Gumawa ng Facebook Page

Una sa lahat, dapat ay mayroon kang Facebook Page. Kaya naman, kung wala ka pang Facebook Page ay gumawa ka na muna. Sundan mo ang guide namin kung paano gumawa ng Facebook Page. Kung mayroon ka naman nang Facebook Page, pumunta na sa Step 2.

Step 2: Maglagay ng Shop Section

Kailangan mo ngayon maglagay ng Shop Section sa iyong page. Madali lang ito.

  1. Pumunta sa Settings.
  2. Click/Tap Edit Page.
  3. Hanapin ang Add a Tab.
  4. Piliin ang Shop, i-click/tap ang "Add Tab"
  5. Bumalik ka sa Homepage ng iyong Facebook Page. Dapat ay makikita ko na ang Shop section sa iyong page.
paano gumawa ng online shop sa facebook

Step 3: I-set up ang iyong shop

  1. I-click ang Shop mula sa homepage ng iyong page. May lilitaw na pop up window. Kailangan mong i-accept ang mga terms sa pagse-set up ng shop. Alam kong nakakatamad basahin ang mga terms pero mahalagang maunawaan mo ang nilalaman nito.
  2. Pumili ng checkout method. Ito ay ang paraan kung paano makakabili ang customer ng iyong produkto. Mamimili ka sa "Message to Buy" at "Checkout on Another Website". "Message to Buy" and piliin mo kung nais mong makatanggap ng mensahe mula sa iyong customer at "Checkout on Another Website" naman kung mayroon kang sariling website at doon ipagpapatuloy nila ang pagbili.
  3. Pumili ng currency. Syempre, piliin mo ang Philippine Peso. Pero kung nais mo naman na US Dollar ay pwede naman.
  4. Tapos na. May online shop ka na. Pwede ka na ngayon maglagay ng mga products na ibebenta mo sa Facebook.
paano gumawa ng online shop sa facebook

Ngayon ay alam mo na kung paano gumawa ng online shop sa Facebook. Simulan mo na ngayon ang paglalagay ng mga products mo para masimulan mo na ang pagbebenta at para kumita ka na. Para sa mga karagdagang kaalaman, basahin mo ang mga sumusunod na article na makakatulong para kumita ka na.

Loading...

Sana ay nakatulong sa iyo nang malaki ang post namin na ito. I-share mo naman ang post na ito at i-like mo naman ang aming Facebook Page >> PaanoHow.

Comments

comments

error: Content is protected !!