​​

Paano Gumawa ng Macaroni Salad (Filipino Style)

Media Noche, Noche Buena sa Pasko, birthdays, anniversaries, o sa kahit ano mang selebrasyon, hindi talaga mawawala sa handaang Filipino ang macaroni salad. Alamin natin dito kung paano gumawa ng macaroni salad.

Mayroong chicken macaroni salad, mayrong macaroni salad na matamis, mayrong macaroni salad na may gulaman at sago, mayroong macaroni salad na ang dressing ay condensed milk — at marami pang iba’t-ibang uri ng macaroni salad.

Hindi lang leche flan ang sikat na dessert sa atin, macaroni salad din. Pero sa partikular na artikulong ito, ituturo namin sa iyo kung paano gumawa ng tradisyunal na macaroni salad tulad ng classic macaroni salad na makikita natin mula noon, hanggang ngayon.

Ano ang mga kasangkapan?

Simple lang naman ang paraan kung paano gumawa ng macaroni salad. Tulad ng ibang uri ng salad, isang proseso lamang ito ng paghahalo-halo ng mga bagay-bagay.

Ang recipe na ito ay sapat para sa isang pamilya ng lima. Gawin ang nararapat na scaling ayon sa iyong tingin.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Ito ang mga ingredients:

– 4 cups ng hilaw na elbow macaroni
– 1 garapon ng mayonnaise
– 1/4 can ng condensed milk (optional)
– 1 kilo ng manok (boiled until fully cooked)
– 2 medium-sized na carrots
– 1 maliit na garapon ng sweet pickle relish
– 1 malaking puting sibuyas
– 1/2 cup ng raisins (maaaring damihan kung gugustuhin)

Heto ang mga hakbang kung paano gumawa ng macaroni salad:

  1. Ang manok ay ilaga sa tubig. Siguraduhing nakababad ang buong manok sa tubig, upang pantay-pantay ang pagkakaluto. Budburan ng asin at paminta ang manok. Huwag itatapon ang pinaglagaang tubig, maaaring maging chicken stock ito para sa ilulutong sopas.
  2. Matapos maluto ang manok, palamigin muna bago himay-himayin sa maliliit na pirasong madaling kainin. Habang pinapalamig ang manok, maaaring gawin ang Step #3.
  3. Lutuin ang pasta ayon sa instructions sa packaging. Siguraduhing budburan ng asin at vegetable oil ang macaroni upang magkalasa ito. Siguraduhing haluin ang pasta upang hindi magdikit-dikit ito. Huwag i-overcook ang macaroni, dapat ay malambot ito na may kaunting tigas. I-drain mula sa tubig ang macaroni.
  4. Paghaluhaluin sa isang malaking bowl ang macaroni, diced carrots at onion, ang manok, raisins at ibuhos ang 1 garapon ng mayonnaise. Haluin hanggang maayos na na-i-distribute ang mayonnaise sa ibang mga sangkap. Gamitin ang asin, paminta at condensed milk ayon sa iyong panlasa.

Tada! Nakagawa ka na ng macaroni salad. Simple lang, diba? Ngayon, handa ka ng maghain ng macaroni sa pamilya at sa paglipas ng taon, iba-ibahin mo rin ng kaunti ang recipe upang hindi magsawa ang pamilya.


References:

error: Content is protected !!