​​

Paano Gumawa ng Maja Blanca (Maja Blanca Recipe)

Isa ring masarap na dessert ang maja blanca tuwing mayroong mga okasyon. Popular din ito gaya ng leche flan. Kakaiba naman kasi ang lasa nito sa ibang panghimagas. Kumbaga, hindi puro tamis lang. Pinasarap kasi ito ng gata ng niyog. Tinatawag rin itong coconut pudding. Karaniwan ding hinahaluan ito ng mais. Kapag may mais na, maja blanca con mais na ang tawag dito. Sundan ang aming tutorial kung paano gumawa ng maja blanca.

Simple lang ang mga paraan kung paano gumawa ng maja blanca. Simulan na natin!

paano gumawa ng maja blanca

Paano gumawa ng Maja Blanca

Mga Sangkap:

  • 4 tasa gata ng niyog
  • ¾ tasa cornstarch
  • ¾ tasa puting asukal
  • latik

Mga Paraan:

  1. Ilagay ang gata ng niyog sa isang kaldero. Isalang at pakuluin.
  2. Kapag kumukulo na, idagdag ang asukal.
  3. Marahang haluin sa loob ng 7-9 minuto.
  4. Ihalo na ang cornstarch at haluin hanggang sa maging malapot.
  5. Isalin sa llanera at palamigin.
  6. Ilagay sa refrigirator (huwag sa freezer) at palamigin pa sa loob ng isang oras.
  7. Ilagay ang latik bilang toppings.
  8. Ihain na!

O di ba? Simple lang naman ang mga paraan kung paano gumawa ng maja blanca. Pero syempre, dagdagan naman natin. Narito naman ang ilan sa mga sangkap na pwede pa nating idagdag plus karagdagang tips.

Tips:

  • Maaaring gumamit ng unflavored gelatin kapalit ng cornstarch.
  • Maaari ring magdagdag ng condensed milk sa sangkap. Mas masarap kasi mas creamy at mas manamis-namis.
  • Isa sa pinakapopular na pandagdag sa maja blanca ay ang mais. Kaya go lang, dagdagan mo ng mais.
  • Sa halip na latik, pwede mo rin maging toppings ang keso. Masarap iyang ka-partner ng mais.
Loading...

Hayan! Ngayon alam mo na kung paano gumawa ng maja blanca. May naiisip ka pa bang pwedeng isama sa mga sangkap? Huwag kang matakot mag-experiment. Kung sa palagay mo ay babagay ang lasa at mas magiging masarap e bakit nga naman hindi? Di ba?

Comments

comments

error: Content is protected !!