​​

Paano Gumawa ng Mango Float (Graham Cake at Ice Cream)

Kung ikaw ay magse-search ng “mango float”, may dalawang klase yan – mango float graham cake at mango float ice cream. Ngayon, aalamin natin pareho yan. Wala nang paligoy-ligoy pa! Alamin na natin kung paano gumawa ng mngo float (graham cake at ice cream).

Paano Gumawa ng Mango Float Graham Cake

Ayon sa Pinoy Recipe at Kusina Chef sa Youtube, ang mango float ay kilala din sa tawag na graham cake na kadalasang inihahanda sa tuwing Pasko.

Ang Mango Float Graham Cake ay isang proseso ng paggawa ng cake sa pamamagitan ng pagpapalamig ng graham crackers upang lumambot ito at makabuo ng base ng cake. Pinapalamanan ang graham cake ng mango slices at cream filling.

Narito ang proseso kung paano gumawa ng mango float graham cake:

  1. Punuin ang ilalim ng lyanera ng graham crackers.
  2. Para sa ikalawang layer, maglagay ng cream filling na binubuo ng minatamis na crema at condensada.
  3. Para sa ikatlong layer, maaring maglagay ng slices ng mangga.
  4. Ulitin ang Steps 1-3 hanggang mapuno ang iyong tray.
  5. Sa pinakahuling layer sa itaas, maaaring maglagay ng mango slices at iba pang prutas bilang palamuti o dekorasyon.
  6. Palamigin ng 24 hours bago i-serve.

Ang ideya ay bumuo ng layers ng cake kung saan ang base layer sa ibaba ay binubuo ng graham crackers upang maging matibay ito. Kasunod ng graham crackers ay ang cream filling upang maging “higaan” ng mango slices.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Paano Gumawa ng Mango Float Ice Cream

Isa pang bersyon ng “mango float” ay ang viral sa social media na mango float ice cream. Tulad ng mango float graham cake, parehas din ang mga sangkap nito at preparasyon. Ang pagkakaiba lang ay ang mango float ice cream ay parang mango float graham cake sa isang cup, sa halip na sa isang tray.

Narito ang mga hakbang kung paano gumawa ng mango float ice cream.

  1. Beat cream until light and fluffy. Gawin ito sa isang stainless steel na nakababad sa isang ice bath upang mag-freeze at lumamig ang krema. Gumamit ng isang electric beater para sa isang mas madaling proseso.
  2. Ihalo ang pinagsamang evaporated milk at condensed milk sa krema. Batihin ito habang dahan-dahang isinasalin ang evaporated milk at condensed milk sa krema.
  3. I-fold ang crashed graham crackers sa binating krema kasama ng diced sweet mangoes. Ang pag-“fold” ay isang technique sa baking o paggawa ng dessert kung saan gumagamit ng isang flat na spatula upang maihalo ang ingredients sa isang pababa-pataas na mosyon ng kamay.
  4. Maaari ng i-transfer ito sa mga lalagyanang nais bago palamigin sa freezer at ihanda.

So, mas matamis na ang hapag-kainan kapag mayroon kang mango float, mapa-graham cake pa yan o ice cream. Try mo na!

error: Content is protected !!