​​

Paano Gumawa ng Polvoron (Pulboron)

Gusto mo bang gumawa ng home-made polvoron? Paano gumawa ng polvoron? Naiisip ko pa lang isulat ito ay natatakam na ako. Nakakatakam naman kasi talaga ang polvoron.

Ang polvoron ay gawa sa pinaghalo-halong tostadong harina, powdered milk, asukal at butter. Yan ang classic na polvoron. Pero ngayon, marami nang naglitawan na iba’t ibang flavors ng polvoron. May mani, pinipig, kasoy, chocolate, cookies and cream at marami pang iba. Iba’t ibang lasa, iba’t ibang sarap na patok naman sa magkakaibang trip ng ating panlasa.

Paano gumawa ng polvoron

 

Paano gumawa ng polvoron?

Polvoron Ingredients:

  • 1 cup of flour (harina)
  • 1/2 cup of sugar (asukal)
  • 1 1/2 cup of cream powdered milk (gatas)
  • 1 cup of melted butter
  • *** 1/2 cup of additional flavor (optinal lang ito)

Steps kung paano gumawa ng polvoron:

  1. Tostahin ang harina nang mabagal. Hinaan ang apoy para hindi mabilis masunog. Haluin nang haluin para pantay ang pagkakaluto. Gawin ito hanggang maging kulay medyo brown na ang harina.
  2. Kapag medyo kulay brown na, patayin na ang apoy pero hayaan mula ang harina sa medyo lumamig ito.
  3. Ilipat ang harina ng lalagyan. Ihalo na ang powdered milk, asukal, at butter. Haluing mabuti.
  4. Buuin na ang polvoron. Gumamit ng molder para mabuti ang polvoron.
  5. Ibalot na ang iyong ginawang polvoron.

*** Kung gusto mo ng karagdagang flavor, bumalik lang sa step 3. Isama ang flavor sa iyong paghahalo. Maaaring gumamit ng pinipig, mani, cookies and cream at kung ano pa.

Galingan mo. Malay mo, dahil sa sarap ng magagawa mo ay maaari mo na rin itong gawing negosyo. Walang imposible, ‘di ba? I-enjoy mo na din. Para busog ka na sa sarap ng polvoron, masaya ka pa, posibleng kumita ka pa sa maliit na puhunan lang.

Loading...

Good luck sa paggawa mo ng polvoron. Kung nagustuhan mo ang article na ito, i-share mo naman sa mga kaibigan mo para alam na rin nila kung paano gumawa ng polvoron.

Comments

comments

error: Content is protected !!