​​

Paano Kumita ng Pera sa Maliit na Puhunan

Paano kumita ng pera sa maliit na puhunan? Sabi nila, kung gusto mong kumita, kailangan mong mamuhunan. Tama naman! Tulad din kasi yan ng kasabihan natin na “Kung walang tiyaga, walang nilaga.”

Maraming paraan para kumita ng pera. Nariyan na ang magtrabaho ka sa isang kumpanya, magtrabaho ka para sa isang tao, magnegosyo, rumaket, at iba pa. Marami iyan, ligal man o iligal. Pero syempre, doon tayo sa ligal.

Bagamat maraming paraan, lahat ng iyan ay nangangailangan ng puhunan – tiyaga, sipag, talino, talento, kakayahan, at higit sa lahat, pera. 

Pera? Kailangan ba talaga ang pera para kumita ng pera?

Oo naman! Kahit sabihin na talento ang gagamitin mong puhunan, kailangan mo pa rin ang pera. At huwag kang mag-alala dahil may programa na ang ating gobyerno kung saan maaaring makahiram o makautang ng perang puhunan.

Kung maghahanap ka ng trabaho, kailangan mong mag-apply. Mamamasahe ka, gagastos ka sa mga documents na kakailanganin at kung anu-ano pa.

Ngayon, ang hinahanap mo ay kung paano kumita ng pera sa maliit na puhunan lamang. Narito ang mga paraan.

Paano Kumita ng Pera sa Maliit na Puhunan

Maghanap ng trabaho. Ito pa rin ang pinakaunang paraan na maii-suggest namin. Mas mabuti kung ang makikita mong trabaho ay iyong malapit lang sa iyong lugar na tinitirahan para makatipid ka at hindi lumaki ang iyong gastos.

Kung kailangan mong gumawa ng resume at mag-asikaso ng mga documents gaya ng  pagkuha ng NBI clearance, Police clearance, sedula, Barangay clearance at iba pa, planuhin mo itong mabuti. Mas mabuting asikasuhin mong lahat sa loob ng isang araw kung posible para makatipid ka sa panahon at perang pamasahe at pangkain.

Gamitin ang talento. Kung may itinatago kang talento, ilabas mo iyan. Kung may husay kang kumanta, sumayaw, magpatawa, tumugtog, sige lang. Go lang! Huwag mong itago. Pagkakitaan mo.

Paano?

Pwede kang sumali sa mga contest. Pero syempre, mukhang hindi naman iyon ang gusto mong gawin. Ganito na lang, magsimula ka ng sarili mong Youtube Channel.

Gumawa ng Youtube Channel. Hindi naman siguro lingid sa iyong kaalaman na marami nang sumikat dahil sa Youtube. Napakarami na ang nag-trending. At kung nai-set nila nang maayos ang kanila Youtube Channel ay pinagkakakitaan nila ang bawat views ng kanilang video. Maaaring sa umpisa ay kikita ka ng maliit na halaga pero malay mo, maraming biglaan na lang at hindi inaasahang mag-trending ang kanilang video. At kapag nangyari iyon, congratulations! Kikita ka ng mas malaki sa iyong inaasahan.

Ano naman ang gagawin mo sa iyong Youtube Channel?

Simple lang, kuhanan mo ng video ang iyong sarili at gawin mo ang iyong talento. Kumanta ka, sumayaw, magpatawa, magpaiyak, ikaw ang bahala. Subukan mo lang.

Magkakaroon kami ng post tungkol sa kung paano kumita sa Youtube sa mga susunod na araw. I-follow ninyo kami kung ayaw ninyong mahuli sa balita.

Magsimula ng blog. Kung hindi mo naman trip ang pagkuha ng video sa sarili, baka gusto mong isulat na lang ang iyong mga kaalaman. Halos pareho ng paraan kung paano kikita sa paggawa ng Youtube channel at sa pagba-blog.

Magpo-post din kami ng mga paraan kung paano magsimula ng isang blog at kung paano kumita mula dito.

Magtinda. Isa ito sa mabilis na paraan para kumita ng pera at makokontrol mo pa ang iyong gastos sa puhunan.

Magbenta ng pagkain. Hindi malalaos ito. Mapa-ulam man o meryenda at mga kakanin, siguradong maiibenta mo agad. Mag-aral ka kung paano gumawa ng iba’t ibang kakanin. O kaya cake at cookies. Doon ka sa mayroon ka nang magagamit para hindi ka na bibili pa.

Buy and sell. Bibili ka ng isang bagay, at ibebenta mo itong muli sa mas mahal na halaga. Syempre, huwag kang pumili ng produkto na hindi pasok sa puhunan mo. Piliin mo yung medyo mura lang pero mabenta. Mag-research ka, mag-observe ka. Ano kaya ang bibilihin ng tao? Ano kayang kailangan nila? Pwede mo itong gawin sa bahay, sa mga kakilala o kaya naman ay online. Maraming gumagawa nito para kumita online.

Gumawa ng sarili mong produkto. Sabihin na natin na may kaunting kahirapan ito. Kasi kailangan mo pang gumawa ng sarili mong produkto para maibenta. Pero sa ganitong paraan, mas maliit na pera ang kailangan mo. Pero mas malaking effort. Pwede ring gawin ang pagbebenta nito offline at pwedeng pwede online. Gawa ka lang ng Facebook page mo.

Bilang halimbawa, tignan ang Facebook Page na ito ng By Hands With Love. Sila ay gumagawa ng sarili nilang produkto mula sa paggagantsilyo. May wallet, keychain, souvenir items at marami pang iba. Pwede kang mag- buy and sell ng mga produkto nila. Inquire ka sa kanilang Facebook Page. Parang retailer ka lang nila. O kaya naman ay gayahin mo sila. Hindi lang naman paggagantsilyo ang pwedeng pagkakitaan. Marami pa.

Magbenta ng mga lumang gamit. Sabi nga, kung di mo ginagamit, ibenta mo na! Punta ka na sa OLX. Nadagdagan na ang space sa lugar mo, kumita ka pa.

Magbenta ng serbisyo. Marunong kang mag-repair ng mga appliances, electronics, computer, cellphone? Pagkakitaan mo. Sabi nga ni Bill Gates, kung magaling ka sa isang bagay, huwag mo itong gawin nang libre. Tama naman. Pagkakitaan mo. Kahit sa kaibigan pa yan. Bigyan mo na lang ng discount.

Loading...

Iyan ang listahan namin ng mga paraan kung paano kumita ng pera sa maliit na puhunan. Kung may iba ka pang alam, share mo naman sa iba pa nating readers sa pamamagitan ng comment.

Comments

comments

error: Content is protected !!