​​

Paano Magluto ng Tofu With Tuna Sisig

Natatakam ka ba sa sisig? Gusto mo ba ng sisig recipe na madaling lutuin at kaunti lang ang sangkap? Pwes, mayroon kaming recipe dito. Magkahalong tofu at tuna sisig. Alamin natin ngayon kung paano magluto ng tofu with tuna sisig.

Marami nang mga nag-trending na sisig recipe sa Facebook. Wish ko nga na sana ay mag-trending din ito kahit ito ay modified version ng mga sisig nila. Pero, syempre, parang sa adobo na kapag ibang version, ibang sipa din sa panlasa.

Simulan na natin ang pagluluto ng tofu with tuna sisig.

Paano Magluto ng Tofu With Tuna Sisig

Mga sangkap:

  • 3 cubes ng tofu
  • 1 lata ng 155 grams ng tuna (flakes in oil)
  • 1 sibuyas
  • 1 pack ng 15 ml na mayonnaise
  • 1 green big sili
  • seasoning
  • mantika
  • 1 itlog

Mga hakbang:

#1. Ihiwalay ang tuna flakes sa oil.

#2. Hiwain sa maliliit na cubes ang mga tofu o tokwa. Hiwain na rin nang maliliit ang sibuyas at ang green sili.

#3. Iprito hanggang sa maging kulay light brown ang kulay.

#4. Kapag naiprito na ang lahat ng tokwa, ilagay sa isang lalagyan. Ihalo ang mga sibuyas at tuna flakes. Ihalo na rin ang mayonnaise.

#5. Ilagay muli sa kawali, kaunting mantika lamang, at lutuin muli.

Tofu tuna sisig 1

#6. Gumawa ng space sa gitna ng kawali. Dito natin lulutuin ang itlog. Ilagay ang itlog. Kapag medyo luto na, haluin na kasama ng lahag ng sangkap.

#7. Lagyan ng seasonings o karagdagang pampalasa.

Tofu tuna sisig 2

#8. Ihain na.

Tips:

  • Pwedeng dagdagan ang mayonnaise depende sa iyong panlasa.
  • Pwede rin naman na maglagay ng red chili kung gusto ng maanghang.
  • Subukan mo rin gumamit ng corned tuna (plain or spicy).
Loading...

Yan! Okay na. Maroon na tayong tofu with tuna sisig. Simple lang ang mga sangkap at paraan kung paano magluto ng tofu with tuna sisig. Madali mong magagawa ito. May instant ulam ka na at pwede rin naman na pampulutan. Pero wait lang, bago ka magluto, baka pwede mong i-share na muna ang recipe na ito. Baka lang mag-trending din.

Comments

comments

error: Content is protected !!