​​

Paano Gumawa ng Travel Brochure

Alamin natin ngayon kung paano gumawa ng travel brochure. Marahil ay bago lang ito sa pandinig ng ilan. Kaya naman bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ito at para saan ba itong travel brochure.

Ang isang brochure ay isang papel na may nasusulat na mga information. Kadalasan ay mayroon itong larawan na madaling makapukaw ng atensyon ng sinumang titingin dito. Ang ganito ay madalas na ginagamit bilang isang paraan ng advertisement.

Ang isang travel brochure naman, ay isang brochure na naglalaman naman ng mga information tungkol sa isang lugar o mga lugar na nais puntahan ng isang client. Naglalaman ito ng mga larawan, maaaring tanawin o mga hotels o restaurants. Naglalaman din ito ng mga activities na maaaring gawin ng isang tao sa lugar na nababanggit. Kadalasan itong ginagamit bilang pang-promote ng mga travel agencies.

Paano Gumawa ng Travel Brochure?

paano gumawa ng travel brochure

Makuha ka sa tingin.

Napakahalaga para sa isang client na makita ang maaari niyang makita o matanaw sa kanyang nais puntahan. Kaya naman, ito ang kailangan makita niya sa brochure pa lang. Kailangang maakit kaagad siya sa pagtingin pa lang sa brochure. Kumbaga, kailangan makuha mo na siya agad sa unang tingin pa lang. Pumili ka ng mga larawan na best na makakapagkakita ng package. Magandang views, masasayang activities, masasarap na pagkain, at iba pa.

Kulay

Masasabi kong idepende ang pagpili ng kulay sa lugar na pupuntahan. Halimbawa, kung tourist spot ang pupuntahan na may magandang natural na tanawin, maaaring gumamit ng mga berdeng kulay. Kung mga technology spot naman ay maaaring gumamit ng blue or mint. Depende. Iwasan rin ang mga masyadong matingkad na kulay kung hindi naman naaangkop sa lugar.

Tamang deskripsyon.

Siguraduhing tama ang mga decription na ilalagay lalo na sa ilalim ng mga larawan. Mahalagang alam ito ng client. Nakuha mo na siya sa tingin, kailangan na niya ngayong basahin kung ano na ang nilalaman ng package mo. Siguraduhing tama ang lahat.

Kapanapanabik.

Bukod sa tama, dapat ay hindi boring ang pagkakasulat. Huwag hayaang sa larawan na lang sila titingin. Kailangang mabasa rin ng clients at kailangang ma-excite siya lalo na magpunta sa lugar na ibinibida mo.

Gumamit ng templates.

Marami kang makikitang travel brochure free templates sa Google. I-search mo lang. Kung nagmamadali ka, gumamit ka na lang ng mga ito. Mag-search ka rin ng mga halimbawa para makakuha ka ng inspirasyon kung paano gumawa ng travel brochure.

Loading...

Ngayon alam mo na kung paano gumawa ng travel crochure. Ilabas na ang creativity at pahangain ang iyong mga clients. Actually, ang paggawa ng brochure ay isang skill na pwede mong pagkakitaan. Kung magiging mahusay ka na dito, ay subukan mo itong pagkakitaan online. >> Paano Kumita ng Pera sa Maliit na Puhunan

 

Comments

comments

error: Content is protected !!