​​

Paano Kumita ng Pera

Ang pera ay hindi isang natural phenomena na kusang bumabagsak mula sa langit tulad ng ulan. Hindi rin natin napupulot ang pera sa tabi ng ilog o nahahanap ang pera kung maglalakad sa kalsada. Ang pera ay pinaghihirapan, pinagtratrabahuan, kailangan mong gumugol ng oras, pagod, pawis at dugo upang magka-pera. Narito ang ilang mabisang mga paraan upang kumita ng pera.

paano kumita ng pera

Paano Kumita ng Pera?

Magtrabaho

Ang pinaka-obvious na sagot ay ang paghahanap ng trabaho. Ano nga ba ang kahulugan ng pagkakaroon ng trabaho? Kung mayroon kang trabaho, lalo na pag white-collared jobs (guro, office worker, accountant, doctor), kinakailangang pumasok ka sa working days mo at tapusin ang mga trabahong dapat mong gawin. Pero hindi basta-basta ang pagkakaroon ng trabaho, nakakapagod at madalas mahirap maghanap ng trabaho lalo na pag undergrad.

Nakatapos man o hindi, kung determinado kang kumita ng pera para sa iyong pamilya, tiyak, makakahanap ka ng trabaho.

Kung ikaw naman ay nais kumita na hindi umaalis sa bahay, dahil nakaka-stress ang sobrang traffic, nakakapagod umalis ng bahay, merong mga paraan upang ikaw ay kumita mula sa iyong bahay. Maari kang maging isang writer, at magsulat ng mga nobela para sa isang publishing house. Walang requirement na diploma ang pagsusulat kaya’t masasabi ng iba na madaling trabaho lang ito. Ngunit tulad ng ibang trabaho, kailangan mo munang magbanat ng buto bago mo matanggap ang iyong sahod. Maari ka ring magtrabaho online, lalo na kung graphic designing ang iyong natapos na kurso.

Magnegosyo

Maari rin namang magnegosyo. Maraming mga Pilipino ang pumapasok sa pagnenegosyo ngayon. Ngunit ang pagnenegosyo ay may kaakibat na responsibilidad upang hindi malugi ang iyong negosyo. Pag-aralan mo ang matalinong pagnenegosyo, at paghawak ng iyong puhunan at kinikitang pera ng mabuti. Dapat mo ring malaman kung saan napupunta ang lahat ng pera na dumadaan sa iyong negosyo. Napunta ba ito sa sweldo ng iyong mga tauhan? O di kaya naman pambayad sa bagong supply ng iyong produkto.

Posible ring magnegosyo online. Kadalasang mga online shop tulad ng damit, at made to order merchandise ang sikat na negosyo online. Maaring gamitin ang social media tulad ng Facebook at Twitter bilang isang platform upang makahanap ng iyong mga customers. Kadalasang mga personalized items tulad ng shirt, mugs at jewelry ang patok sa kasalukuyan. Dahil karamihan ng mga gumagamit ng social media ay ang mga kabataan.

Siguraduhin laman na kapag magnenegosyo online ay maging safe ang iyong negosyo. Iwasan ang mga scammers o bogus buyers kaya gumawa ng background check sa bawat customer na bibili sa iyong shop. Iwasan rin ang mga tinatawag na “online paluwagan.” Kadalasan ang mga ito’y scam lamang at iyong sinasayang ang iyong pera.

Isang option rin ang pagbubukas ng franchise tulad ng mga food stalls (siomai, shake, street foods). O di kaya naman ay mag-resell ng mga produkto. Maari ring magbukas ng isang maliit na sari-sari store, o carinderia sa harap ng inyong bahay. Ang pagkain ay isang magandang negosyo dahil isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng tao at kahit anong oras ay maari kang kumain.

Mag-invest

Ang pag-iinvest ay isang paraan upang mapalago ang iyong pera. Ito ay ang pag-invest ng iyong pera sa ibang negosyo o stock market upang ito ay mapalago. Ang perang iyong ininvest ay babalik sa iyo matapos ang nakapagkasunduang panahon kasama ng iyong kinita mula sa pag-iinvest.

Ngunit ang pag-iinvest ng pera ay mayroon ring peligro at panganib. Isa itong pakikipagsapalaran lalo na’t marami ang mga scammer ngayon na nangangakong papalaguin ang iyong pera ngunit mawawala ng parang bula. Bukod sa mga scammer, maaring malugi at di magtagumpay ang negosyong iyong pinag-invest-an ng pera at hindi na maibalik ang iyong in-invest. Siguraduhing ligtas ang iyong pag-iinvest at mas mataas ang advantage kaysa sa risk factors. Huwag ring magpadala sa mga matatamis na mga kasinungalingan ng mga scammers.

Aralin ang factors ng pag-iinvest bago ka mag-invest ng iyong pera. Siguraduhin na alam mo ang kalakan upang hindi ka maloko. Alamin rin ang tamang paraan ng mga proseso para sa pag-iinvest. Huwag mong ilagay sa panganib ang iyong pera ng wala kang kaalam-alam. Makabubuti kung may background knowledge ka tungkol dito. Maari ring magtanong sa mga mapagkakatiwalaang kaibigan na nakakaalam kung paano ang kalakan sa investment. Tulad ng mga nakapagtapos ng business courses tulad ng business management, accountancy o mga ekonomista.

Ilan lamang ito sa mga paraan upang kumita ng pera. Bukod sa mga paraan na ito, kailangan mo ng pasensya, pag-unawa, matalinong pagdedesisyon, tiyaga at dedikasyon ng kumita o mapalaki at mapalago ang iyong pera.

Para sa karagdagang kaalaman at tips, mayroon kaming post tungkol sa kung paano kumita ng pera sa maliit na puhunan. Sundan ang link na ito para sa article: Paano Kumita ng Pera sa Maliit na Puhunan.

Source: I Will Teach You How To Be Rich

Comments

comments

error: Content is protected !!