​​

Paano Kumita sa Youtube

Hindi lingid sa kaalaman ng madlang pipol na marami ang kumikita sa Youtube. At syempre, marami rin ang nagkakaroon ng interes na malaman kung paano kumita sa Youtube. At yan ang tatalakayin natin ngayon.

Isa sa pinaka-popular na pagde-deliver ng contents ngayon sa audience ay sa pamamagitan ng videos. Kaya naman nauso ang Vlogging o Video blog. Ay pinakasikat na platform sa larangang yan ay ang Youtube. May ilan na ginagawa lang “for fun” ang pagba-Vlog, pero mayroon din naman na ginagawa ito “to make money”. At hindi lang iyan basta barya ang pinag-uusapan ha? May mga established Vloggers o influencers na kumikita ng limpak-limpak na dolyar. Yes, dolyar ang usapan dito sa Youtube.

Nakaka-engganyo, di ba? Sino ba naman ang hindi mae-engganyo sa limpak-limpak na kitaan? Pero yang limpak-limpak na perang tinutukoy namin ay nangangailangan din ng limpak-limpak na effort, diskarte, at kapal ng mukha. Hindi ito gaya ng iba na “open-minded ka ba?” ay “sampung libo mo, gawin nating isang milyon”. Hindi ito ganun.

So, simulan na natin?

Paano Kumita sa Youtube?

#1 Account

Syempre, dapat ay mayroon kang Youtube account. At ang Youtube account mo ay pareho sa iyong Google o Gmail account. Kung wala ka pa, alamin mo dito kung Paano Gumawa ng Google Account.

#2 Youtube Channel

Ang sunod na kailangan mong gawin ay ang i-setup ang iyong Youtube Channel. Ang iyong Youtube channel ang magiging personal channel mo kung saan mo ilalagay ang iyong mga videos. Ito rin ang bibisitahin ng iyong mga viewers o subscribers kapag gusto nilang manood ng videos mo.

#3 Upload videos

Sino ba ang may gustong manood sa channel na walang palabas? Hmmm… Ganoon din sa Youtube. Hindi ka magkakaroon ng subscribers kung walang lamang videos ang channel mo. Unless, pakiusapan mo ang mga kakilala mo na mag-subscribe sa channel mo kahit na wala itong laman. Kaya naman, simulan mo na agad mag-upload ng mga videos.

Mahalaga ang bahaging ito. Kung tutuusin, pwede ka namang mag-upload ng kahit na anong videos lang. Okay yan kung “for fun” lang ang pagba-vlog mo. Pero kung ang nais mo ay “to make money”, gumawa at mag-upload ka ng mga videos na magugustuhan o hahanapin ng mga subscribers mo.

#4 Build your audience

Ang susi sa pagkita ng pera sa Youtube ay ang mga audience. Pwedeng subscribers at pwede rin naman na mga viewers lang na nag-search sa Youtube o Google. Mas maraming subscribers, mas malaki ang kitaan. Kaya naman, para magkaroon ng maraming audience, gawa ka ng mga videos na gusto nila.

You can’t please everyone. Hindi lahat ay magugustuhan ang mga videos mo. Kaya naman kailangan mong i-target lang ang mga audience na gagawan o manonood ng videos mo. Halimbawa, ang mga videos mo ay tungkol sa aso mo. For sure, ang magiging viewers mo ay mga dog lovers. At iyon na ang magiging target audience mo. Gumawa ka lagi ng videos na magugustuhan ng mga dog lovers.

#5 Make Money

Ito na ang pinakahihintay mong step sa kung paano kumita sa Youtube. Maraming paraan. Narito ang top 3:

  1. Google Ads – Ito siguro ang pinakasikat na paraan para kumita sa Youtube kung saan magdi-display ka ng Google ads sa iyong mga videos. Sa step na ito, kakailanganin mong mag-sign up for Google Adsense account.
  2. Sell your own product – Pwede kang magbenta ng sarili mong product sa pamamagitan ng pagbi-video. Video marketing ang tawag dito.
  3. Sell others product – Pwede ka ring magbenta ng product ng iba. Pwede kang kumita sa pamamagitan ng commission. Affiliate marketing naman ang tawag dito na idadaan mo sa pamamagitan ng video marketing.
  4. Paid Vlog – May mga nagbabayad naman para banggitin mo sa iyong Vlog ang website nila o channel. Mangyayari lang iyan kapag marami kang subscribers.

Yan na ang mga paraan kung paano kumita sa Youtube. Basic info lang ang mga iyan. Para sa mas detalyadong paraan, may libreng course ang Youtube para sa mga gustong kumita sa pamamagitan ng kanilang site. Kung desidido ka o nais mo lang subukan, pwede mong simulan dito >> Earn Money With Ads on Youtube.

Loading...

Good luck sa iyong pagsisimula. Maging consistent ka lang at siguradong baka ikaw na ang susunod na magiging Youtube Millionaire.

Comments

comments

error: Content is protected !!