Simple lang naman ang paraan kung paano gumawa ng Google account. Kailangan mo lang ay ang mag-provide ng ilang basic information tungkol sa iyo gaya ng pangalan, edad, phone number at iba pa.
Bakit mo kailangan ng Google Account?
Well, mabubuhay ka naman kahit wala kang Google account. Pero kung ikaw ang isang Android phine user, kailangan mo ng Google account dahil ito ang paraan ng para maka-connect ka sa ilang features ni Android.
Maaaring hindi mo kailangan ang lahat ng services ni Google pero isang Google account lang ang kailangan mo at magkakaroon ka na ng access sa mga sumusunod na Google services and sites:
- Gmail
- Youtube
- Google Play
- Google Drive
- Google+
- Google Photos
- Google News
- Google Calendar
- Google Contacts
- At napakarami pang iba.
- 140+ Google Services and Tools You Should Know
O di ba? Isang account lang napakarami na ng pwede mong ma-access. Sabi ko nga, hindi mo naman kailangan lahat iyan. Pero baka sakali darating ang araw na kailanganin mo na rin.
Okay, dumako naman tayo sa paraan kung paano gumawa ng Google Account.
Simpleng Paraan Kung Paano Gumawa ng Google Account
* Kung ikaw ay mayroong Gmail address (email_mo @ gmail.com), ibig sabihin lang niyan ay mayroon ka nang Google Account. Hindi mo na kailangan pang sundin ang mga susunod na hakbang. Pwede ka nang mag-sign in sa kahit anong Google services gamit ang iyong Gmail informations.
- Magpunta sa www.google.com at i-click ang Sign In na makikita sa kanang bahagi bandang itaas ng website.
- Syempre hindi ka pa pwede mag-sign in kasi wala ka pang account kaya naman i-click ang “Create Account“.
- Lalabas na ngayon ang sign up form na kailangan mong punan. Mga basic information lang tungkol sa iyo gaya ng pangalan, username, password at kaarawan.
- Makikita mo ang Terms and Privacy agreement ni Google. Mas okay sana kung basahin mo. I-click ang “Next Step“.
- Okay na! Mayroon ka nang Google Account. Mapupunta ka na sa Welcome page. I-click ang Continue, ay ayos na. Tapos na!
- BASAHIN: Paano Gumawa ng E-mail Account
Simple lang ang paraan kung paano gumawa ng Google Account di ba? Walang kahirap-hirap. Ngayon ay pwede mo nang ma-access ang mga tools, services at mga websites ni Google. At isa pa, napakaraming silbi ng e-mail account mo kay Google. Kasi pwede mo naman gamitin bilang primary e-mail mo sa Facebook. Makakagawa ka na ngayon ng Facebook page at pwede mo pang pagkakitaan. Basahin mo ang mga sumusunod na article sa ibaba.
O ayan na, may karagdagang tip pa. Sana ay natulungan ka ng simpleng article na ito.