Marahil ay madalas kayong nakakarinig ng tungkol sa mga investments. Ituturo natin dito ngayon kung paano mag-invest sa GCash o ang pag-i-invest gamit ang GCash app.
Madali lang ito. At tama ang basa mo sa title, ₱ 50.00 lang ang kailangan mo para makapagsimula kang mag-invest.
Paano Mag-INVEST sa GCash
- Syempre, ang pinakauna ay dapat ay meron kang GCash account at GCash App. Click here para makapag-register ka >> GCash Registration.
- Ang app ay pwede mong i-download nang libre sa Google Playstore para sa mga Android users at Appstore naman para sa mga iOS users.
- Kailangan verified ang iyong GCash account para magamit ang investment feature ng App. So, magpa-verify ka na. Madali lang naman magpa-verify. Kailangan mo lang ng isang valid ID.
- Kapag verified ka na, lagyan mo ng laman ang iyong GCash. Pwede mo itong gawin sa pamamagitan ng pag Cash In. Maraming available methods para makapag-cash in sa GCash. Pinakamadalas ko gamitin ang pag-cash in sa 7 eleven. Simple lang kasi at instant ang pag credit.
- Ngayong may laman na ang GCash mo, pwede ka nang mag-invest. I-click mo lang ang Invest na icon sa iyong GCash app at sundan ang mga kailangang gawin.
- Kapag successful, mababawasan ang balance mo at makakatanggap ka ng SMS at email. I-check mo itong mga screenshots namin:
Sa pag-i-invest, mas maganda kung constant o patuloy mong ginagawa. Halimbawa, weekly kang maglalagay ng investment mo sa GCash. Or kung hindi kaya ng weekly, pwede namang twice a month or monthly na lang. Pero para sa akin, dun ako sa weekly. Hindi na masama ang ₱50 – ₱100 weekly. Di ba? Pwedeng gawing #weeklyinvestchallenge.
Sa akin, sinusubukan ko ang weekly ₱100. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya kong abutin pagkatapos ng isang taon o 52 weeks.
Ngayong alam mo na kung paano mag-invest sa GCash, are you in para sa weekly investing challenge? Register na sa GCash at simulang mo nang mag-invest!