​​

Paano Mag-ipon ng Pera Para sa Mga Empleyado o Estudyante

Paano mag-ipon ng pera? Parang napakahirap nitong gawin. Minsan mas nakakaipon pa ang ibang tao d’yan ng sama ng loob at utang kesa sa pera. Siguro nga, mahirap talaga mag-ipon ng pera. Pero ang lahat naman at natututunan sa tamang disiplina.

paano mag-ipon ng pera

Paano mag-ipon ng pera para sa mga may trabaho?

Magbigay ng mga limitasyon para sa iyong sarili

Hangga’t iyong makakaya, subukang gastusin lamang ang isang na posyento ng iyong sahod at itabi ang natira. Isang makatarungang porsyento ay 80% ng iyong sweldo ang maari mong gamitin, at itabi ang natitirang 20%. Sa walumpong porsyento na iyon, iyong i-budget ito ng mabuti upang iyo ng mabayaran ang lahat ng iyong mga gastusin. Ilista ang lahat ng mga babayarin tulad ng tubig, kuryente, pagkain at renta sa bahay – at maayos na i-plano ang 80% na ito upang lahat ng iyong gastusin ay iyong mabayaran.

Ang pamumuhay sa maliit na halaga lamang ay mahirap ngunit tandaan ang dalawang D at isang T, kung mayroon kang Disiplina, Dedikasyon at Tiyaga, siguradong makakarating ka sa iyong destinasyon. Ang paghihirap ay parte ng buhay ng tao, ngunit masusuklian naman lahat ng iyong paghihirap kapag iyo ng nagamit ang perang iyong pinaghirapan – pangretiro man, o gamitin sa oras ng pangangailangan.

Tanggalin ang mga gastusin na maaring tanggalin

Kung biglang kinukulang ang iyong 80% na porsyento para sa iyong mga gastusin, suriin ang talaan ng iyong mga gastusin at alamin kung alin ditto ang maari mong tanggalin. Magtanggal ka ng mga gastusin na hindi naman iyong mga pangangailangan. Tulad ng meryenda kung hindi ka naman gutom o di kaya naman ay ang gastusin mo sa pagpapa-load sa iyong cellphone.

Matutong magtipid (Paano Magtipid ng Pera At Iba pa)

Isang katangian na iyong matututunan habang ikaw ay nag-iipon ay ang pagiging matipid. Ang pagtitipid ay isang magandang katangian – huwag lang itong sobrahan. Iwasang magsayang ng pera para sa mga walang halagang mga bagay. Magtipid ng tubig at kuryente ng mabawasan ang iyong mga bayarin. Patayin ang ilaw kung hindi ito ginagamit, huwag hayaang tumulo ang tubig ng hindi ginagamit. Kung ang condo na iyong tinitirahan ay masyadong malaki para sa iyo lamang, maghanap ng mas maliit na may mas mababang renta.

Matutong magtipid ng mayroon kang maitabi sa kinabukasan.

Paano mag-ipon ng pera para sa mga estudyante?

Magkaroon ng disiplina sa sarili

Ang kadalasang sinasabi ng mga taong dahilan kung bakit hindi sila maka-ipon – “Tukso kasi ang canteen. Masarap kumain.” O ang pamosong linya na “Kailangan ko ng bagong cellphone.” Kahit na may cellphone naman at maayos pa ito. Maraming mga tao ang mahilig bumili ng mga bagay kahit hindi naman ito pangangailangan. Bumibili ng bagong sapatos dahil ito ay uso, para maging sikat magmukhang cool kid. Nagpapa-braces kahit hindi naman kailangan.

Isipin mo na lang iyong bagay na pinag-iipunan mo – tuition fee mo o concert ticket. Kumalma ka lang, hinay-hinay lang sa pagbili.  ‘Yang cellphone na ‘yan, ‘yang pera mo pampa-salon – makakapaghintay naman lahat ‘yan eh. Pero ‘yung tuition mo, hindi. Kapag hindi kailangan, huwag bumili. Matutong disiplinahin ang sarili sa matalino at mabuting pagbili.

Magplano at magsiguro

Magplano, magsiguro at makibalita… I M Ready lang ang peg!

Ngunit sa katotohanan, dapat talagang magplano ng iyong gagawing pagba-budget at pag-iipon. Alamin ang iyong lingguhang budget at hatiin ang mga gastusin na naayon sa iyong budget. Gawin mo ito ng may matira pa sa iyong budget.

Magsiguro. Siguraduhin iyong susundan ang iyong plano. Huwag itong balewalain at bigyan ang sarili ng strict instructions na sundan ang iyong plano para sa perang iyong nahahawakan. Mawawalan ng silbi ang iyong plano kung hindi mo naman ito susundin.

Keep track of your money

May mga taong medaling mawalan ng pera, hindi alam kung saan ito napupunta. Importanteng malaman kung saan nangagaling ang iyong pera at kung saan ito napupunta. Mahalagang malaman kung saan tumutungo ang iyong pera. Maaring magkaroon ng record book kung saan mo pwedeng ilista ang iyong mga natatanggap na pera at kung ano ang iyong gastusin.

Ang makikita sa baba ay isang halimabawa ng maaring mailagay sa iyong record book. Ito ay maaring isang record book ng isang college student.

24-Jul-16
Magkano Ano
 + P250 budget
 + P100 utang ni Anna
 – P25 pamasahe papunta’t pabalik
 – P50 lunch
 +P10 handouts para sa math

Mag-ipon ka ng mabuti ng may maitabi ka at madukot sa hinaharap. Mahirap man, disiplina lang ang kailangan. Tandaan ang tatlong D at isang T, kung mayroon kang disiplina, dedikasyon at tiyaga, siguradong makakarating ka sa iyong destinasyon.

Sources: Bank Of AmericaSenior Living

Comments

comments

error: Content is protected !!