​​

Paano Magbenta sa Shopee

Sobrang uso na talaga ang online business ngayon. Habang tumatagal kasi ay mas lalo nang nagiging madali at dumarami ang mga platforms para makapagbenta online. Isa sa nga dito ay ang Shopee. Tatalakayin natin ngayon ay kung paano magbenta sa Shopee.

Ang Shopee ay isa sa mga kilalang online platforms para makapagbenta online. Sabihin na natin na isa ito sa mga fastest-growing. Marami na rin ang mga users ng Shopee mobile app. Hindi na nakakapagtakang marami na rin na mga online sellers ang naging successful na at patuloy na kumikita sa pamamagitan ng pagbebenta sa Shopee.

So, huwag na nating patagalin pa ito. Alamin na natin kung paano magbenta sa Shopee.

Paano Magbenta sa Shopee?

  1. I-download ang Shopee app. Available ito sa Android at maging sa iOS devices.
  2. Dapat ay mayroon kang Shopee account. Kung wala pa, pwede kang mag-register gamit ang Shopee app na na-download mo. O kaya naman ay pwede kang magpunta sa web version, https://shopee.ph gamit ang iyong browser.
  3. Since mayroon ka nang account, gamitin mo na ang Shopee app. I-open mo ito. May makikita kang (+) sign. I-tap mo ito.
  4. Kakailanganin mo kasi na mag-upload ng picture ng ibebenta mo. So, mamimili ka ngayon kung mag-a-upload ka from gallery ng phone mo o kaya naman ay kukuha ka ng bagong picture gamit ang camera.
  5. Kapag may picture no, i-upload mo lang ito. At ilagay din ang mga information tungkol sa iyong ibinebentang item. Siguraduhin mong tama ang mga information na ilalagay mo. Kasi magagamit ang mga iyan para makita ng customer ang item mo at, syempre, magkakaroon ng tiwala ang customer kung tama ang mga info na inilalagay mo.
  6. Kapag ayos na, i-tap ang SUBMIT.
  7. And viola! Naka-post na ang item mo at makikita na ng mga magkakaroon ng interes.

Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang video na ito mula sa Youtube channel ng Shopee.

Loading...

Sobrang simple na di ba? Parang wala pang isang minuto ay makakapaglagay ka na ng pwede mong ibenta sa Shopee. So, ano na? Magbenta ka na! Pero sandali, i-share mo na rin muna sa mga friends mo itong simpleng tutorial kung paano magbenta sa Shopee. Para hindi sila mahuli sa trend at sabay-sabay kayong kumita.

Comments

comments

error: Content is protected !!