​​

Paano Makakaiwas sa Malas sa Ghost Month

Marami ang naniniwala na ang buwan ng Agosto ang pinakamalas na buwan sa buong taon. Ito yung tinatawag na “Ghost Month”. Sa lugar nga namin ay may maririnig kang katawagan na “inaagosto” o nangangahulugang minamalas sa buwan ng Agosto. Dahil diyan, alamin natin ngayon kung paano makakaiwas sa malas sa Ghost Month.

Ayon sa isa feng shui expert, tinawag na “Ghost Month” ang buwan ng Agosto dahil ito raw ang panahon kung kailan nagbubukas ang pinto ng impyerno at malayang nakakagala ang mga masasamang espiritu na may dalang kamalasan. O di ba? Parang “Stranger Things” ang dating at parang sa mga fantasy movies lang natin mapapanood.

Ang “Ghost Month” ay mula August 1 hanggang August 29, ayon kay Master Hanz Cua. At August 15 ang petsa kung kailan nagiging pinakaagresibo ang mga kaluluwang gala na nagdadala ng malas. Pinaniniwalaan din ito sa Chinese na parang katumbas ng Undas sa atin. Ang pinagkaiba lang ay bumabalik raw ang mga kaluluwa para mambiktima.

Paano Makakaiwas sa Malas sa Ghost Month

May mga payo si Master Hanz Cua para makaiwas sa malas sa Ghost Month. Ito ay ayon sa kanyang interview sa ABS-CBN, sa ulat ni Winnie Cordero.

  • Kailangan raw mag-alay ng pagkain gaya ng manok, karne, kanin, pansit, prutas at pati beer sa mga “hungry ghost” para sila ay mabusog para hindi na magdala ng malas.
  • Isa rin sa mga ritwal ng mga Tsino ang pagtutupi ng perang papel habang nagsasabi ng mga money affirmations at nagpapatugtog ng mantra para magdala ng pera sa negosyo.
  • Sinabi rin na hangga’t maaari ay umiwas sa pagpasok sa mga bagong proyekto, pagbili ng bahay, pagsisimula ng bagong negosyo, pagpapakasal, pagpasok sa bagong kontrata, at iba pa.
  • Kung sakali naman na hindi maiiwasan ang bagong pagsisimula sa buwan ng Agosto, magsuot lang daw ng pulang damit o accessories sa mga araw ng ganitong transaksiyon.
  • O kaya naman ay maaaring maglagay ng bawang at asin sa bintana at pintuan sa buwan ng Agosto hanggang August 29 para maitaboy ang malas at multo.
  • Panatilihin ring malinis, maliwanag, at masaya ang bahay.
Loading...

Yan ang mga paraan kung paano maging maswerte at makakaiwas sa malas tuwing Agosto o Hungry Ghost Month. Mapapanood mo ang episode na iyan dito:

Comments

comments

error: Content is protected !!