Alam mo ‘yung feeling na crush ka pala ng crush mo, pero nalaman mo na nung huli na ang lahat? Ang sakit di ba? Nasasayangan ka at nag-aalinlangan. Hawak mo na eh, nabitawan mo pa. Ngayon, gusto mong malaman kung crush ka ng crush mo. Narito ang ilang mga paraan upang malaman mo kung crush ka ng crush mo. Para sa susunod na magka-crush ka ulit, madali mo ng malalaman kung gusto ka rin niya.
Paano mo malalaman kung crush ka ng crush mo?

Pasulyap-sulyap
Madalas siyang nagnanakaw ng tingin sa iyo. Normal lang na titigan ang taong gusto mo. Gusto mo kasing malaman ang bawat galaw niya, gusto mong titigan ang mga ngiti niya. Kapag nahuli mo siyang tumitingin sa iyo, at nagkaroon kayo ng intense staring contest, tiyak, may pagtingin sa iyo ‘yan. Bakit ka ba naman tititigan ng isang tao kung wala siyang gusto sa’yo, diba?
Kapag nahuhuli mo siyang tumitingin, madalas ay iiwas siya ng tingin sa iyo, magkukunwari na hindi ikaw ang tinitignan niya. Kunwari, napuwing lang daw o sa ibang tao nakatangin, o di kaya, nakatingin daw sa malayo. Syempre, ayaw niyang magpahalata na may gusto siya para sa iyo.
Iba ka sa lahat
Para sa kaniya, hindi ka ordinaryong classmate o officemate o kaibigan lang. Ikaw ay special, ikaw ay importante. Kaya’t madalas ka niyang tinutulungan. Tinutulungan ka niya sa mga homework mo, madalas ka niyang pinapaalalahanan na mag-review para sa exams. O di naman kaya, sa mga responsibilities mo. Kung officer ka sa student council, o sa mga nahuhulog mong mga libro. Madalas ka niyang tinutulungan.
Madalas ka rin niyang ipagtanggol sa mga taong nambu-bully sa iyo, sa mga taong umaapi sa iyo. Madalas ka rin niyang ngitian o batiin kapag nagkaka-salubong kayo. Kung ikaw ang topic nilang magka-kaibigan, makikita mo sa mga mata niya ang paghanga niya sa iyo. Tila mga tala, na lumiliwanag sa langit ang kaniyang mga mata tuwing ikaw ay nasisilayan. Madalas rin siyang makipag-eye contact sa iyo tuwing kinakausap mo siya, tanda ito ng interes niya sa iyo at sa mga sinasabi mo.
Minsan rin, kung kinakausap mo siya tungkol sa mga hobbies mo o mga gusto mo, tulad ng music, mga movies o libro na binabasa mo, pinapakinggan ka niya. Ito ay dahil curious siya sa pagkatao mo, gusto niyang malaman kung ano ang mga gusto mo at hindi mo gusto.
Supporter ka rin niya sa lahat ng mga bagay na sinasalihan mo. Mapa-basket ball team, dance contest, o kung ano man ‘yan, isa siya sa taga-hiyaw at taga-palakpak sa iyo sa audience. Bigyan mo ng bonus point kung may hawak na banner na may pangalan mo at may dalang camera o cellphone, at nagsisilbi bilang photographer mo.
Kilos, salita at gawa
Pansinin mong mabuti ang bawat kilos niya tuwing kasama ka niya. May pagkakaiba ba kapag ang kasama niya ay ibang tao? Mas mabait ba siya sa’yo? Hindi niya ba pinapakita ang mischievous side niya sa iyo? Ang mga salitang ginagamit niya kapag kausap ka niya ay pili at polite? Makikita mo sa kanyang bawat kilos at salitang binibitawan ang mga signs kung gusto ka niya ba talaga.
Ang quiz sa baba ay makakatulong sa iyo upang malaman kung crush ka ng crush mo.
Kumuha ng papel at lapis, ilista ang bawat puntos kung pasok ang pangungusap.
- Nahuli mo na siyang tumitingin sa iyo (15 pts)
- Tinulungan ka niya nung mayroon kang kailangan (5 pts)
- Binati ka niya ng “Hi” o “Good Morning” (5 pts)
- Niregaluhan ka niya na kahit hindi ikaw ang nabunot niya sa Christmas party (20 pts)
- Inaasar ka ng mga kaklase o kaibigan ninyo (20 pts)
- Palagi siyang nandiyan kung kailangan. (20 pts)
- Natanong niya na SA IYO kung sino ang crush mo (10 pts)
- Natanong niya na SA IBANG TAO kung sino ang crush mo (10 pts)
- Natanong niya na kung ano ang tipo mo sa isang tao (20 pts)
- Nag-send na siya ng text message o chat na nagsasabing “Ingat ka!” o “Good night sweet dreams.” (20 pts)
- Bonus (5 pts) kung gumagamit siya ng kiss emoji, heart emoji emoticon.
Kunin ang iyong total.
Huling hatol:
130-100: Malaki ang posibilidad na may gusto siya sa iyo.
90-50: May posibilidad na may gusto siya sa iyo, kailangan mong maging mapanuri sa kanyang mga kilos.
50-pababa: Wala siyang gusto sa iyo at maaaring binibigyan mo lang ng maling kahulugan ang kanyang mga kilos.
Ngunit upang makasiguro, tanungin mo na lang, kausapin mo ng masinsinan. Maaaring nakakahiya, maaaring delikado, ngunit kung gusto mo talagang malaman, isa lamang ang paraan upang makasigurado. Pagpraktisan ang gagawing pagtatanong, muster the courage, kapalan mo na ang mukha mo at itanong sa kanya. Good luck at tandaan, kung crush ka ng crush mo, aba happy!! Kung hindi naman, may dalawang bagay na maaari mong gawin: humanap ng iba o kaya naman ay gumawa ka ng paraan para maging crush ka ng crush mo.