​​

Paano Kumuha ng Solo Parent ID (Single Parent ID)

Masaya at mahirap maging magulang. O sabihin natin na mas mahirap kung para sa isang solo parent kung saan solo ang responsibilidad. Mabuti na lang at kahit paano ay nabigyang pansin ng ating gobyerno ang mga solo parents o single parents sa pamamagitan ng ilang mga benepisyo. Ang kailangan lang para ma-avail ang mga benepisyong ito ay kumuha ng solo parent ID. Alamin natin dito kung paano kumuha ng solo parent ID at kung anu-ano ang mga benefits nito para sa mga single parents.

Paano Kumuha ng Solo Parent ID (Single Parent ID)

Ano ang Solo Parent ID?

Sa ilalim ng R.A. 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000, ang isang solo parent ay pwedeng makakuha ng iba’t ibang benefits. At para makapag-avail ng mga benefits na ito, kailangan lang na mayroong Solo Parent ID

Sino ang pwedeng Kumuha ng Solo Parent ID? Mga Kwalipikasyon.

Pwede kang kumuha ng Solo Parent ID kung ikaw ay isa sa alin man sa sumusunod:

  • Biyuda o biyudo
  • Hiwalay sa asawa
  • Napawalang bisa o annulled ang kasal
  • Inabandona ng asawa o kinakasama
  • Sinumang indibidwal na tumatayo bilang magulang ng bata
  • Sinumang miyembro ng pamilya na tumatayo bilang head of the family bunga ng pag-aabanduna, pagkawala o matagal na pagkawalang ng magulang o ng solo parent
  • Biktima ng panggagahasa
  • Asawa ng nakakulong at/o hinatulang mabilanggo
  • May mental o pisikal na kapansanan ang asawa/partner
  • Hindi kasal na piniling palakihin ang anak nang mag-isa

Mga Benefits ng Pagkakaroon ng Solo Parent ID

  1. Pitong (7) araw na dagdag na bakasyon mula sa trabaho.
  2. Komprehensibong tulong pangkabuhayan para sa may antas ng kabuhayan na below poverty threshold ayon sa itinakda ng NEDA.
  3. Tulong na psychological.
  4. Tulong sa pamilya na nangangailangan ng proteksyon.
  5. Tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DepEd, CHED, at TESDA sa pagpapaaral sa mga anak nila.

Mga Requirement Kung Paano Kumuha ng Solo Parent ID

  • Barangay Clearance
  • Birth certificate ng menor de edad na anak >> Paano Kumuha ng Birth Certificate sa PSA
  • Income Tax Return (ITR) o anumang dokumento na pwedeng gamiting patunay sa antas ng kinikita ng isang solo parent o cerfification mula sa treasurer ng barangay o minisipyo.
  • Kasulatan o certificate mula sa Kapitan ng Barangay na nagsasaad ng kalagayan ng pagiging isang solo parent
  • Voters ID (ayon sa local ordinance ng ibang local LGUs)

Ihanda na rin ang iba pang angkop na dokumento gaya ng:

  • Deklarasyon ng pagkawalang bisa ng kasal
  • Katibayan o medical certificate na may mental o pisikal na kapansanan ang asawa
  • Certificate of No Marriage ( CENOMAR)

Para makakuha ng Solo Parent ID, magtungo lamang sa Local Social Welfare Development Office ng inyong munisipyo.

Loading...

Pwede mo ring i-like sa Facebook ang Federation of Solo Parents, Luzvimin, Inc. – USPP na patuloy na sumusuporta sa mga solo parents para ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Comments

comments

error: Content is protected !!