​​

Paano Gumawa ng Apple ID

Gusto mong gumawa ng Apple ID dahil mayroon kang bagong iPhone o iPad o kaya naman ay gusto mo lang magkaroon ng bagong Apple ID pero nalilito ka kung paano? Sundan lang ang aming step-by-step guide kung paano gumawa ng Apple ID.

Bakit mo kailangang gumawa ng Apple ID?

Kung ang mga Android devices ay nangangailangan ng Google account, kailangan mo rin ang Apple ID para sa iyong iOS devices. Kailangan mo ito para makapag-download ka ng mga apps mula sa App Store ng Apple. Kailangan mo rin ito para makapag-sync ka ng contacts, reminders at calendars sa pamamagitan ng iCloud, ang cloud storage ng Apple.

gumawa ng apple id

Hindi naman sapilitan ang pagkakaroon ng Apple ID kung gusto mong gumamit ng mga iOS devices. Kaya lang, syempre, may mga feature na kailangan ng Apple ID gaya na lamang ng mga nabanggit.

Paano gumawa ng Apple ID?

Gamit ang iyong iPhone o iPad:

  1. Hanapin at buksan ang Settings.
  2. I-tap ang iCloud.
  3. Mula rito, makikita ko na ang “Create a new Apple ID“. I-tap mo ito.
  4. Hihingiin nito ang ilang impormasyon tungkol sa iyo gaya ng iyong Birthdate (kaarawan), Last Name, First Name, at email address na nais mong gamiting bilang Apple ID.
  5. Kailangan mo rin maglagay ng password. Iba ito sa password ng iyong email. Inirerekomenda rin namin na gumawa ka na lang ng bagong password at pumili ng secure na password para hindi ma-hack ang iyong account.
  6. Papipiliin ka rin ng security questions. At, syempre, kailangan mong maglagay ng sagot. Huwag mo lang kakalimutan ang sagot sa security questions na iyong pipiliin dahil kailangan mo ito kung sakaling makakalimutan mo ang iyong Apple ID password.
  7. I-tap ang Agree to the Terms and Conditions.
  8. I-tap ang “Merge” o “Don’t Merge” kung gusto mo bang mag-sync o ayaw mong mag-sync ng contacts, reminders, at calendars.
  9. I-tap ang “OK” para sa “Find My Phone” feature ng iyong device.
  10. Ayos na! Mayroon ka ng bagong Apple ID.

Gamit ang internet browser:

Pwede ka ring gumawa ng apple id gamit ang internet browser sa iyong phone o sa iyong computer. Magpunta ka lang sa link na ito: Create Apple ID. Simple lang din. Kailangan mo lang i-fill up ang form ng mga impormasyong kailangan – pangalan, email, password, security questions and answers, bansa.

Loading...

Ngayon, okay na. Pwede ka nang mag-download ng apps at games mula sa App Store at pwede mo nang magamit ang mga feature ng iyong iOS device. Sana ay nakatulong sa iyo ang guide na ito.

Comments

comments

error: Content is protected !!