​​

Paano Gumawa ng Instagram Account at Paano Magparami ng Followers

Isa na ata sa pinakasikat na social media sa Pilipinas ang Instagram. Kung sa tingin mo ay napag-iiwanan ka na dahil ang mga kaibigan at kamag-anak mo’y puro Instagram na ang gamit, nasa tamang lugar ka! Alamin natin kung paano gumawa ng instagram account. At may bonus pa kung paano magparami ng followers.

Kung sawa ka na kakagamit ang Facebook dahil marami ng lumilipat sa Instagram, nasa tamang lugar ka para maumpisahan ang iyong Instagram account!

So, simulan na natin.

Paano Gumawa ng Instagram Account

I-install at gumawa ng iyong Instagram account.

Ang Instagram ay isang app. Hindi mo ito ma-a-access bilang isang website mula sa iyong phone Safari o sa Google Chrome ng iyong desktop.

Kinakailangan mo ng isang mobile phone upang magamit ito.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.
  1. I-install ang Instagram mula sa Google Playstore o mula sa App Store ni Apple.
  2. Matapos mo itong ma-install, i-launch ito at gumawa ng iyong Instagram.
  3. Maaaring piliin ang “sign up with Facebook option” kung gusto mong maging konektado ang iyong Instagram sa iyong Facebook friends.
  4. Sundan ang mga steps upang maayos na ma-confirm ang iyong account. Madali lang naman ito. Kinakailangan mo lang sundan at punan ang kung ano mang impormasyon na hinihingi mula sa iyo.

Para sa isang komprehensibo at mas detalyadong step-by-step tutorial, mas mainam na panoorin ang isang Youtube video para dito:

Paano Magparami ng Followers sa Instagram

Dito sa parteng ito aming ipapaliwanag at bibigyang halaga ang mga iba’t-ibang paraan upang mapalago mo ang iyong account.

Paggamit ng hashtags – ang mga hashtags (hal: #foodtrip, #adventure, #makeup) ay ang ginagamit na systema ng Instagram upang mahanap ang mga posts na sila ay interesado tungkol dito. Mahalagang gumamit ng mga tags na makikita sa iyong posts upang mahanap ng ibang tao ang iyong account.

Ayusin ang layout ng iyong account – siguraduhing komprehensibo at maayos ito. Gamitin ang bio bilang isang lugar upang halinain ang mga taong bumibisita sa iyong account na mag-follow dito.

Pag-iisip kung ano ang iyong focus – saang parte ng Instagram mo ba nais mag-focus upang mapalago ang iyong account? Mahirap kasi na hiwa-hiwalay ang iyong posts at iba-iba ang iyong tinatalakay sa bawat photo. Mas gusto kasi ng mga followers na may specific kang field kung saan marami pa silang makikitang posts katulad ng una nilang nakita sa iyo mula sa hashtags na iyong ginagamit.

Gusto mo bang maging isang fashion influencer? O mag-posts ng iyong mga travel trips? Baka naman mas gusto mong mag-post ng mga make-up looks sa iyong Instagram.

Ang ilan sa mga pinakasikat na hashtags sa Instagram na maaari mong gawing focus ay: #food, #travel, #fashion, #makeup ay #photography. Kung mayroon kang mga hobbies/kagustuhan na nabibilang dito, maaari mong buuin ang iyong account mula sa focus na ito.

Maaari rin namang mag-post tungkol sa mga pansarili mong interes kahit na maliliit lang ang mga audience para dito. Kung tutuusin, kung kaunti pa ang mga nagpopost tungkol dito, mas in demand ang mga taong tulad mo na balak magpost tungkol sa iyong interes.

Pag-promote sa iyong sarili sa iba pang social media – Maaari mong i-promote ang iyong Instagram account sa iyong Facebook account, sa mga Facebook groups patungkol sa interes ng iyong Instagram account at maging sa Twitter.

Kung gusto mo talaga ng engagement, maaaring mag-send ng automated messages sa iyong mga kakilala kasama ang link ng iyong Instagram account.

Ugaliing mag-post parati – Ang pag-popost ang maglalagay sa iyo sa taas ng mga hashtags searches kung saan madali kang mahahanap ng iyong mga posibleng audience. Hindi mo rin gustong kalimutan ang mga taon naka-follow na sa iyo at naghihintay para sa bago mong posts.

Maaaring ang araw-araw na pag-post ay isang magandang schedule na madali namang gawin at masundan ng iba.

Maging committed sa pagtayo ng iyong Instagram account. Kung gusto mo talaga ng resulta, maging seryoso ka dito dahil kung hindi, wala ring mangyayari.

Ngayon alam mo na kung paano gumawa ng instagram account, handa ka ng umpisahan ang iyong Instagram career at magtayo ng isang empire para sa mga taong may parehong gusto at interes sa iyo.


References:

error: Content is protected !!