​​

Paano Mag-LIVE Stream sa Facebook

Nakakatuwang manood ng mga pictures at videos sa Facebook ng ating mga kaibigan, kamag-anak, artista, balita at pulitiko. Pero hindi ba’t mas masaya yung mapanood natin sila nang live? At mas masaya din na pwede nila tayong mapanood ng live kung gugustuhin natin. Iyan naman ang isa sa mga latest na feature ni Facebook. At syempre, ituturo namin sa inyo kung paano mag-live stream sa Facebook gamit ang inyong laptop, personal computer, Android device o iOS devices.

Facebook Live logo

Mga kailangan:

Unang una, syempre, dapat ay mayroong camera ang device na iyong gagamitin. Webcam man o built-in. Mahirap naman yatang gumawa ng live video nang walang camera.

At isa pa, syempre ulit, dapat ay mayroon kang internet connection. Mas mabilis na internet connection, mas okay.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Kung PC o laptop ang iyong gagamitin, bisitahin lang ang Facebook gamit ang kahit na anong web browser. Kung mobile phone naman ang iyong gagamitin, kailangang may naka-install kang updated version ng Facebook App.

Paano mag-live stream sa Facebook?

Paano mag-live stream sa facebook

  1. Sa Facebook, i-click ang “What’s on your mind?” sa taas ng iyong News Feed.
  2. I-click ang Live Video.
  3. Maaari kang maglagay ng description ng iyong video pero optional naman ito. Pwedeng hindi ka na maglagay.
  4. Pumili ng audience (Public, Friends, etc.). Sino ba ang gusto mong makakita ng video mo? Gusto mo ba itong i-live stream sa publiko na kahit na sino ay pwedeng makakita? O sa mga Facebook friends mo lang?
  5. I-click mo na ang Go Live. At ayan na! Simulan mo na ang iyong live broadcast.
  6. I-click mo lang ang Finish kung gusto mo nang tapusin ang iyong live video streaming sa Facebook.

Tips:

  • Siguraduhing mabilis ang iyong internet connection. Baka mairita lang ang manonood sa iyo nang live dahil sa sobrang bagal ng internet connection mo. Maaapektuhan kasi nito ang quality ng iyong pagbi-video.
  • Ipaalam mo muna sa iyong mga friends at followers na magbo-brodcast ka nang live sa Facebook para alam naman ng mga manonood sa iyo kung kailan at anong oras nila aabangan ang live video mo.
  • May limit na 30 minutes ang live stream sa Facebook. Kaya siguraduhing hindi ka kakapusin sa oras.
  • Para sa mga karagdagang tips, magtungo lang sa official website ng Facebook Live.

Ngayong alam mo na ang step-by-step na paraan kung paano mag-live stream sa Facebook, sana ay ma-enjoy mo ang iyong kauna-unahang live broadcast experience.

I-comment mo ang iyong experiences at i-share mo ito sa iyong mga friends para makapag-live stream sa Facebook.

Enjoy!

error: Content is protected !!