​​

Paano Magkaroon ng Followers sa Facebook (at mga Tips Kung Paano Magparami ng Followers)

Gusto mo bang mag-trending sa Facebook? Kung ganoon, kailangan mo ng maraming followers. Paano magkaroon ng followers sa Facebook? Paano paramihin ang mga followers sa Facebook?

Ang Facebook ang pinakasikat na social network ngayon at mukhang hindi pa rin ito matitinag sa kanyang pwesto. Kaya naman hindi na nakakapagtaka na marami ang gumagamit ng platform na ito para sumikat o makilala. At syempre, marami pa ang naghahanap na sumikat o mag-viral sa Facebook.

Paano magkaroon ng followers sa facebook

Paano Magkaroon ng Followers sa Facebook (at mga Tips Kung Paano Magparami ng Followers)

Una, kailangan mo munang gawing discoverable ang iyong profile. Siguraduhin mong matatagpuan ka sa Facebook kung may maghahanap sa iyong pangalan. Pangalawa, kailangan mong maintindihan na pina-follow ng isang tao ang isa pang tao dahil may napupulot sila o may napapala sila sa pag-follow sa taong iyon. Maliban na lang kung ikaw ay isang artista na sikat na. Pero kung magsisimula ka sa wala, kailangan mong bigyan ang mga tao ng dahilan para i-follow ka.

Mag-post nga mga bagay na nakakaaliw.

Gusto ng mga tao ang maaliw. Pwede kang mag-post ng mga video na nakakatawa o nakaka-entertain gaya ng pagkanta, pagsayaw o kung ano pa mang talento mo.  Pag natuwa ang tao sa post mo, ipa-follow ka nila o kaya ay ise-share nila ang post mo. Pwede mo rin i-try ang Facebook Live >> Paano mag-live stream sa Facebook?

Mag-post ng mga bagay na kapaki-pakinabang o may matututunan.

Sikat sa mga ganito ang mga quotes at mga tutorial. Kung palaging may makikitang kapaki-pakinabang sa profile mo, hindi malabong ipa-follow ka ng mga tao. Hindi mo naman kailangang maging expert sa isang bagay. Kahit basic lang ay okay na.

I-share ang mga bagay na iyong hilig.

Kung makakakita ka ng post mula sa ibang page o profile na hilig mo, huwag kang matakot na i-share ito. Maganda rin ito para malaman ng mga magiging followers mo kung ano ang hilig mo at baka may chance pa na pareho pala kayo ng hilig.

Mag-reply sa mga comments.

Nakakatuwa para sa isang follower na magre-reply sa kanya ang kanyang pina-follow. Kung maganda ang comment, magpasalamat ka. Kung may masamang comment naman, mag-sorry ka at mangako na gagalingan mo pa sa susunod. Huwag kang makikipagmurahan sa comment.

Gawing madalas ang pagpo-post.

Mas gusto ng mga followers na palaging may update ang pina-follow nila. Saka mas mataas ang chance na may makakita ng post mo kung mas madalas kang mag-post. Pero maging maingat lang kasi baka masobrahan sa dami ng post na magmukha nang spammer at mairita ang mga followers sa sunod-sunod mong posts. 3 posts/ day o 5 posts / day ay okay na. Lagyan mo na lang ng interval ang iyong mga posts.

Humingi ng tulong sa mga kaibigan.

Hindi ito masyadong recommended pero malay mo, i-share ng mga kaibigan mo ang contents mo. Mas maraming share, mas malayo ang mararating.

Loading...

Yan ang aming mga tips kung paano magkaroon ng followers sa Facebook. Sundin mo lang at sigurado akong tataas ang bilang ng mga followers mo from time to time.

Comments

comments

error: Content is protected !!