​​

Paano Mag Visita Iglesia Online (Virtual Visita Iglesia) Kahit Nasaang Panig Ka Man ng Mundo

Isang tradisyon ng mga Katoliko ang kilala sa tawag na Visita Iglesia. Ito ay ang pagbisita at pagdadasal sa pitong simbahan tuwing Mahal na Araw. Ngunit dahil sa teknolohiya, nagkaroon na rin ng tinatawag na Visita Iglesia Online o Virtual Visita Iglesia. Ituturo namin sa inyo ngayon kung paano mag visita iglesia online.

Kung babalikan natin ang kasaysayan ng Visita Iglesia, aabot tayo sa taong 1560. Pero ang Visita Iglesia Online ay nagsimula noong 2010. Sinimulan ito ng CBCP oara sa mga Katolikong may kapansanan na mahihirapang makapag Visita Iglesia at para sa mga OFW na nami-miss ang mga simbahan sa Pilipinas.

visita iglesia online

Paano Mag Visita Iglesia Online?

Simple lang ito. Ang kailangan mo lang ay computer o laptop o cellphone na may internet connection. Bumisita sa visitaiglesia.net o kaya visitaiglesia.net/ph.

Mula sa website ng CBCP, maaari kang mag-browse ng iba’t ibang simbahan na may 360 degree view. Ibig sabihin, maaari mong makita ang palibot ng simbahan.

Pero hindi lang CBCP ang mayroong Visita Iglesia Online. Dahil mayroon din ang Rappler. Taong 2012 nang simulan ng Rappler ang kanilang Virtual Visita Iglesia. Para sa kumpletong detalye tungkol sa Virtual Visita Iglesia ng Rappler, sundan lang ang link na ito: Rappler’s Virtual Visita Iglesia 2017. May featured silang 14 na simbahan.

Exciting ang Visita Iglesia Online dahil maaari mong bisitahin kahit virtually ang mga simbahan na hindi mo pa napupuntahan. Pero ang payo ng CBCP, huwag sana itong maging kapalit ng pagpunta o pagbisita sa totoong simbahan para magnilay-nilay at manalangin. At huwag sana nating makalimutan ang totoong dahilan kung bakit ginugunita ang Mahal na Araw o Semana Santa.

Loading...

Kung sakaling masubukan ninyo ang mga websites na nabanggit mula sa CBCP at Rappler, share niyo naman sa amin ang inyong experience sa comment section.

Comments

comments

error: Content is protected !!