​​

Paano Labanan at Mawala ang Nerbyos

Ang nerbyos o pagkakaba ay hindi na bago sa atin, lahat ng tayo ay nakararanas nito, maging bata, o matanda. Ito ay yung pakiramdam na parang ika’y hinihila o pinipigilan ng kung ano mang elemento sa paligid. Ito’y dala ng takot o hiya na tayo ay hindi magustuhan, o tayo ay mabigo sa ating mga ginagawa. Pero may good news din naman. Dahil ang nerbyos ay pwede namang labanan. Bibigyan namin kayo ng mga tips kung paano labanan o mawala ang nerbyos.

Sa ating buhay, may mga pagkakataon na tayo ay hahamunin ng tadhana. Bibigyan tayo ng mga pagsubok upang tayo’y lumago bilang isang tao. Ngunit paano kung sa isang pangyayari ay bigla tayong dinatnan ng nerbyos? Paano natin haharapin ang mga pagsubok na ito, kung ang kalaban natin ay ang ating mga sarili?

paano mawala ang nerbyos

Paraan kung paano labanan at mawala ang nerbyos

#1 Laging maging handa. (Always be prepared)

Kung ikaw ay may proyekto na kailangang ipresenta sa eskwela, interview sa trabaho, o may special performance kang gagawin sa harap ng maraming tao, ang pinakamainam na pantanggal nerbyos ay ang pagiging handa.
Madalas kabahan ang mga tao sa mga nabanggit na sitwasyon dahil sa kakulangan sa preparasyon. Maraming tao ang dinadalaw ng kaba sa pag-iisip na baka may mga katanungan sa interview na hindi nila masagot. Mainam na paghandaan nang mabuti ang mga mahahalagang bagay na kailangan nating harapin.

#2 Huminga nang malalim. (Take deep breaths)

Oo, tama ang iyong nabasa. Ang paghinga ng malalim ay nakatutulong upang mabawasan ang kaba, at pakalmahin ang ating sarili. Subukan mong huminga ng malalim bago ka sumalang sa interview, bago report sa klase, o bago ang bawat performance na iyong gagawin. Isa ito sa mga paraan na maraming tao ang nagsasabing nakatulong sa kanila.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

#3 Mag-focus sa kasalukuyan. (Focus on the present)

Ito ay kaakibat ng paghinga ng malalim, ang pagtuon ng pansin sa kung ano ang nagyayari sa kasalukuyan ay nagbibigay ng “peace of mind”. Tinatanggal nito ang pangamba ng mga masasamang bagay na maaaring mangyari sa hinaharap-na madalas ay nagdudulot ng “mental block”. Huwag muna nating isipin ang hinarap, dahil ang magdidikta nito ay ang mangyayari sa kasalukuyan.

#4 Mag-visualize o mag-isip ng mga positibong bagay. (Visualize positively)

Ang pagiging positibo o pagkakaroon ng positibong pananaw ay isa sa pinakamahahalagang bagay upang maibsan ang pagkakaroon ng nerbyos. Maraming tao ang nakararanas ng nerbyos dahil madalas nilang iniisip ay, “Paano kung magkamali ako?”. Ito ay malaking hadlang para sa atin. Kung ang iniisip natin na magkakamali tayo, lalo tayong kakabahan at mas malaki ang posibilidad na tayo’y magkamali. Isipin natin na tayo ay nakapaghanda nang maayos at tayo ay magkakaroon ng magandang resulta.

#5 Magsimula ka lang. (Just start)

Minsan kasi, ang kailangan lang natin ang ang magawa ang unang hakbang. Minsan kailangan lang natin mabitawan ang unang salita. At kapag nagawa na iyon, tuloy-tuloy na. Mari-realized na lang na tapos na pala o nairaos na. Kaya kapag kinabahan ka, magsimula ka lang. At asahan mo na mawawala na ang kaba.

Ang mga tips na iyan ay iilan lamang sa mga maaring gawin upang mabawasan ang pagiging kabado sa mga bagay na ating kakaharapin sa buhay. Sana’y nakatulong ito sa inyong lahat para labanan at mawala ang nerbyos.

Ikaw? Ano’ng ginagawa mo kapag kinakabahan ka?

 

error: Content is protected !!