​​

Paano Mawala ang Constipation

Mabigat sa pakiramdam kapag constipated o may constipation. Sa bigat ng pakiramdam ng tiyan, hahanap ka talaga ng gamot sa constipation. Kaya dito sa article na ito, aalamin natin kung paano mawala ang constipation.

Kapag nahihirapan ka na sa pagdumi at mabigat na sa feeling sa iyong tiyan, ang pinakamagandang gawin bago humanap ng gamot sa constipation ay ang alamin mo ang iyong diet. O alamin mo lang ang mga huling kinain mo. Makakatulong ang pag-alam mo ng mga ito kung paano mawala ang constipation mo.

Hindi joke ang constipation. Kahit na madalas gawing biruan ang pagiging hirap sa pagdumi.

Isa rin sa mga kailangan mong maunawaan ay walang “normal” pagdating sa pagdumi. Magkakaiba iyan sa bawat tao. May mga tao na nakakapagbawas isang beses sa kada araw at may mga taong kada tatlong araw pa. Hindi mo pwedeng sabihin na ang isa sa kanila ay may normal na pagdumi, at ang isa ay hindi normal. Pero, kapag nakaramdam na ng hirap sa pagdumi at bigat sa tiyan, iyan ang hindi na normal. Constipation na iyan.

Kung nakakaranas ka na ng constipation, kailangan mo agad alamin kung ano ang naging sanhi nito at ano ang magagawa mo para mahinto ito bago pa lumala o maging ugat ng iba pang problema. Gaya nga ng nasabi na kanina, kailangan mong alamin ang iyong diet. Crucial kasi ito para sa digestion.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Dagdagan mo ang diet mo ng fiber. Meaning, kain ka ng maraming prutas at gulay. Kung nakakaranas ka naman ng chronic constipation o yung paulit-ulit na constipation, pwede kang gumawa rin ng sarili mong juice or smoothies mula sa mga fruits and vegetables. Effective ang mga prutas na mga ito para magamot ang constipation mo: dates, manga, apple; at mga gulay: patatas, mais, green leafy vegetables.

Pwede mo rin dagdagan ng wholegrain foods ang iyong diet gaya ng brown rice, multigrain bread, pasta, crackers. Makakatulong ang mga ito para maging mas mabilis ang iyong pagdumi. AT kapag mas mabilis at madali ang pagdumi, walang constipation.

Makakatulong din ang mga nuts para mawala ang constipation. Hindi man direktang gamot sa constipation, malaki ang tulong nito. Ito rin ang paborito ko tuwing constipated ang tiyan ko. Pinaka-effective sa akin ang pili nuts. Mas okay kung fresh at wala pang halong flavors. Payo lang, huwag madaliin ang pagkain nito. Hindi ko alam ang explanation pero effective talaga kapag dahan-dahan mong ngunguyain ang nuts hanggang sa sobrang durog na bago mo lunukin. At isa nga pala sa sanhi ng constipation ay ang pagmamadali sa pagkain. I-enjoy lang ang pagkain, namnamin.

At syempre, tubig. Inom ka ng maraming tubig. Medyo mabigat sa tiyan kapag nakarami na pero kailangang well-hydrated kapag may constipation. Makakatulong rin kasi ang tubig para mapalambot at mapabilis o mapadali ang paglabas ng dumi mula sa katawan.

Kapag matagal na ang constipation, kailangan mo nang sumangguni sa doctor. Pwede kang bigyan ng mas mabisang gamot sa constipation. Pero kung hindi pa naman malala ay i-try muna ang mga natural na paraan kung paano mawala ang constipation.

Ayan! Sana ay nakatulong ito para maging okay na ang iyong tiyan.

error: Content is protected !!