​​

Paano Gamitin ang Damong Paragis

Paano gamitin ang damong paragis? Kamakailan lang ay naging trending ang damong paragis na sinasabi nakakagamot ng iba’t ibang uri ng karamdaman. Kalat ito sa mga social media lalo na sa Facebook. Bakit nga ba? Dahil marami ang mga nagpapatunay na naging maayos ang kanilang pakiramdam nang dahil sa damong paragis. Alamin natin!

Ano ang damong paragis?

Ang damong paragis ay may scientific names na: Eleusin Indica (Linn.) Gaertn., Cynosurus Indicus Linn., Eleusine Barbata Vidal, Eleusine Polydactyla Steud., Niu Jin Cao (Chin.). Ito naman ay common names na: paragis, sambali, wire grass, dog’s tail grass, kabit-kabit, goose grass.

Ang damong paragis ay isang uri ng damo na madalas nating makikita na tumutubo sa mga bakanteng lote. Kahit hindi masyadong nababasa ang lupa ay tumutubo pa rin ito, kahit sa tabing kalsada pa. Pahaba at patulis ang hugis ng mga dahon nito, kagaya rin ng karaniwang damo na makikitasa kung saan. At sa tuktok naman nito ay makikita ang mga spikelets kung saan naroon ang kanyang mga buto. Para mas malinawan kung ano nga ba ang itsura ng damong paragis, tignan ang larawan sa ibaba. Siguradong nakakita ka na nito.

paano gamitin ang damong paragis

Naaalala ko pa noong nag-aaral pa ako ng elementarya. Naglalakad lang ako noon mula sa aming bahay patungo sa school. Dinaraan daanan lamang namin noon ang napakaraming ganyang damo. Kumbaga, balewala lang. Walang nakakaalam na may pakinabang pala ang damong paragis sa kalusugan.

Paano gamitin ang damong paragis?

Iba’t ibang mga karamdaman, sakit at bigat ng pakiramdam ang sinasabing nagagamot ng damong paragis. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod at sa katapat ay ang paraan kung paano gamitin ang damong paragis para sa naturang sakit.

paragis

Paalala: 

Ang mga halamang gamot na gaya ng damong paragis ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit karamihan sa mga ito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi pa sigurado kung ano ang mga sife-effects ng mga ito. Maaari rin magdulot ng allergy ang mga ito sa isang tao. 

Bulate sa sikmura

  • Magpakulo ng dahon at tangkay sa loob ng 10 minuto
  • Inumin ang pinagpakuluan
  • Maaaring inumin nang manit man o malamig

Hirap sa pag-ihi

  • Magpakulo ng dahon sa loob ng 10 minuto
  • Inumin ang pinagpakuluan
  • Maaaring inumin nang manit man o malamig

Altapresyon

  • Magpakulo ng dahon at tangkay sa loob ng 10 minuto
  • Inumin ang pinagpakuluan
  • Maaaring inumin nang manit man o malamig

Dysenteria – matubig na pagtatae na may kasamang dugo

  • Magpakulo ng ugat sa loob ng 10 minuto
  • Inumin ang pinagpakuluan
  • Maaaring inumin nang manit man o malamig

Mataas na sugar

  • Magpakulo ng dahon, tangkay at ugat sa loob ng 10 minuto
  • Inumin ang pinagpakuluan
  • Maaaring inumin nang manit man o malamig

Balakubak

Pilay o sprain

  • Dikdikin ang dahon at tangkay
  • Itapal sa bahagi kung saan napilayan. Maaari ring ihalo sa langis na gagamitin na panghilot.

Nakagagamot din ang damong paragis ng iba pang mga sakit gaya ng ovarian cyst, myoma, type 2 diabetes at iba pa.

Para sa iba pang impormasyon, panoorin ang feature na ito tungkol sa paragis mula sa Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA 7.


Kapuso Mo, Jessica Soho: Katas ng paragis, gamot sa malulubhang sakit?

Alam mo na ngayon kung paano gamitin ang damong paragis para sa iba’t ibang uri ng sakit. Susubukan mo ba ito? Wala naman sigurong masama. Basta pakatandaan lang ang paalala na kailangang mag-ingat. At kung anumang maging di inaasahang reaction ng katawan ay huwag mag-atubiling kumonsulta sa doctor.

Loading...

References:

Comments

comments

error: Content is protected !!