​​

Paano Mawala ang Balakubak sa Natural na Paraan

Marami talaga ang namomoblema kung paano mawala ang balakubak. Ang dala kasi nito ay pangangati ng ulo na may kasama pang flakes na namuo. Kung minsan, hindi na umuubra ang mga anti-dandruff shampoo. Kumbaga, nakailang palit ka na ng brand ng anti-dandruff shampoo pero ganoon pa rin. Nariyan pa rin ang balakubak.

Baka naman may sangkap na hindi hiyang sa iyo? Kung gayon, bakit hindi mo subukan ang mga natural na paraan kung paano mawala ang balakubak at baka maging effective at hiyang sa iyo.

Paano Mawala ang Balakubak sa Natural na Paraan

Ang mga natural na paraan na ito ay hindi instant ang resulta. Kailangan nito ang regular na paggamit para maging epektibo.

paano mawala ang balakubak

Tea Tree Oil

Maraming wonders, ika nga, ang langis na ito. At isa na nga ang pagiging epektibo nito para maging healthy ang scalp at mawala ang dandruff. Ihalo ang 3-5 patak nito sa iyong anti-dandruff shampoo at mas magiging epektibo ito.

Baking Soda

Hindi lang ito para sa mga tinapay. Pwede ring gamitin para mawala ang dandruff. Hindi mo ito ihahalo sa shampoo. Sa halip, hindi ka gagamit ng shampoo. Basain ang buhok at i-massage sa scalp ang baking soda lalo na sa alam mong bahagi kung saan maraming balakubak. Mapapatay nito ang mga fungi na nagiging sanhi ng dandruff mo. Epekto nga lang nito ay magiging dry ang iyong buhok. Pero sa simula lang naman ito.

Apple Cider Vinegar

Isa rin itong wonder. Nakakalusog na kapag iinumin, pwede rin pala pangontra sa balakubak. Sa tindi ng acidity kasi nito ay hindi mabubuhay ang fungi. Ihalo ang isang kutsaritang apple cider vinegar sa isang tasang tubig. Ilagay ito sa pang-spray at i-spray sa ulo. Siguraduhing mababasa nang maayos ang scalp. Takpan mo ng towel ang iyong ulo. Iwan sa loob mg 15-30 minuto bago banlawan. Gawin mo lang ito once or twice a week. Siguraduhin mo lang na wala kang ibang lakad kasi baka maamoy nila na maasim ang amoy mo.

Coconut Oil

Mula sa kilala sa ating “Tree of Life”, ang coconut. I-massage ang langis ng niyog sa scalp. Hayaan lang sa iyong ulo sa loob ng isang oras bago maligo. Makalipas ang isang oras, maligo gamit ang usual mong shampoo at conditioner. May mga shampoo rin na may coconut oil. I-try mo ito.

Lemon

Kagaya rin ng apple cider vinegar, ang acidity nito ay may kakayahang mapuksa ang mga nagdudulot ng iyong dandruff. I-massage ang katas ng lemon sa iyong scalp. Patagalin ng ilang minuto bago banlawan.

Salt o Asin

Maganda itong gamitin pang scrup sa scalp bago ka mag-shampoo. I-try mo ito para mawala ang mga flakes na balakubak. At i-shampoo nang mabuti at banlawan rin nang mabuti.

Garlic o Bawang

Kilala ang bawang na nagtataglay ng katangiang anti-microbial. Sakto pangkontra sa mga mikrobyo na nagdudulot ng dandruff. May downside nga lang dahil sa amoy nito. Siguraduhin mo na lang na wala kang lakad kapag gagamitin mo ito. Durugin ang bawang para makuha ang langis nito at ikiskis sa iyong scalp. Patagalin nang ilang minuto bago banlawan.

Damong Paragis

Naging trending itong damong paragis dahil sa iba’t ibang nagagamot nito. At isa na nga sa mga ito ay ang pangtanggal ng balakubak. Dikdikin ang dahon at tangkay at ihalo sa shampoo na gagamitin sa pagligo. Ibabad nang ilang minuto sa buhok bago banlawan. Para sa iba pang mga pwedeng paggamitan ng damong paragis, basahin ang article na ito: Paano Gamitin ang Damong Paragis.

Loading...

Iyan ang mga paraan kung paano mawala ang balakubak o dandruff sa natural na pamamaraan. Paalala lang, kung sasakit ang iyong scalp nang dahil sa paggamit ng alin man sa mga nabanggit ay itigil ito kaagad. Depende rin kasi iyan kung magiging hiyang sa iyo.Bukod sa mga natural na paraan na nabanggit, may iba pang mga alternatibong paraan para mawala ang balakubak. Subukan mo ang mga nabanggit sa article na ito ng Reader’s Digest.

Comments

comments

error: Content is protected !!