Ang high blood pressure o altapresyon ay isa sa mga sanhi ng stroke sa Pilipinas. Kaya kung na-diagnose ka na may high blood pressure, malamang nag-aalala ka at nais mong malaman kung paano makaiwas sa high blood pressure o kaysa naman mapunta pa sa mas malala pang sitwasyon.
Iba’t iba ang mga nagiging kumplikasyon ng mga taong may high blood pressure. Kaya naman, kaysa kung saan pa humantong, mas mabuting iwasan na lang. Tama ba? Mas mabuti na iyong nag-iingat kaysa sa mapahamak.
Ngayon, alamin natin kung paano makaiwas sa high blood pressure o altapresyon.
Simulan na natin.
Paano Makaiwas sa High Blood Pressure o Altapresyon
Ibase natin ang mga paraan kung paano makaiwas sa high blood pressure sa mga nagiging sanhi nito. Kung maiiwasan natin ang mga nagiging dahilan, malaki ang posobilidad na makakaiwas na rin sa altapresyon.
Magbawas ng timbang
Ang pagiging obese o ang sobra sa timbang ay isa sa mga nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng high blood preassure. O sabihin na lang natin na mas mataas ang tsansa na magkaroon ng altapresyon ang mga taong obese o sobra sa timbang.
So, para naman mapababa ang timbang, subukang mag-diet at mag-ehersisyo regularly. Kahit ang paglalakad lamang ng 30 minutes kada araw ay malaking tulong na.
Sa pagda-diet naman, bawas sa kanin, dagdag ng prutas at gulay. Umiwas din sa matatabang pagkain o sa mga ma-cholesterol. Bawasan rin ang pagkain ng maaalat o maasin. Kung ikaw ay mahilig sa mga pagkaing maalat ay kailangan mo na itong bawasan. Dahil makakataas ito ng chance na magka-high blood pressure ka.
Itigil ang Paninigarilyo
Hindi namin sasabihin na bawasan mo o umiwas ka sa paninigarilyo. Kung naninigarilyo ka, itigil mo na ito. Wala naman iyang magandang maidudulot sa katawan. Hindi lang pati high blood pressure kundi maraming iba pa.
Bawasan ang pag-inom ng Alcoholic Drinks
May mga nagsasabi na healthy pa ang pag-inom ng alak. Pwede… pero ang lahat ng sobra ay nakakasama. Sabi nga di ba? Drink moderately. At ang “moderate” na iyon ay isang bote ng beer lang o 2-3 shots ng mga hard drinks.
Umiwas sa Stress
Ang stress ay nagpapataas ng blood pressure. Kaya naman kung stressful ang buhay mo, kailangan mong matutunan kung paano mo ito maiiwasan. Subukan mo ang aming mga tips kung paano maiiwasan ang stress.
Magpa-check up
Hindi mo naman kailangang magpacheck-up every week. At least, sa loob ng isang taon ay mabisita mo ang iyong doctor at maipa-check up mo ang iyong kalusugan. At, syempre, kung magkakaroon ka ng kakaibang pakiramdam, huwag nang mag-atubili pa. Bumisita na at magpakunsulta na kay Doc.
Ngayon alam mo na kung paano makaiwas sa high blood pressure. Ingatan mo ang iyong kalusugan para sa bandang huli ay wala kang pagsisisihan.
References: