​​

Paano Mawala ang Blackheads (PLUS Natural Remedies)

Paano mawala ang blackheads? Para sa mga kababaihan o sa mga balidosong kalalakihan, alam natin ang struggle na may nakakapa tayong maliliit na butlig sa ating mukha, lalo na sa area ng ating ilong at minsan ay mayroong mangilan-ngilan sa ating noo. (Oh, ano, kinapa mo yung ilong mo, ‘no?) Tignan mo na sa salamin at baka blackheads na ‘yan!

Hindi rin magandang tignan ang texture ng skin kapag maraming blackheads sa ating mukha. Parang pagod na pagod na tila ba hindi ka natulog ng ilang araw ang magiging hitsura mo kapag maraming kang blackheads.

Kung gusto niyong malaman kung paano mawala ang blackheads niyo, keep on reading dahil ipapaliwanag ko ang ilang mga paraan para matanggal ang iyong blackheads.

paano mawala ang blackheads

Paano mawala ang blackheads

Peel-off pore strip/pack

Ang pinakauso at pinakamurang paraan na ata ngayon upang matanggal an gating blackheads ay ang peel-off pore strip o pack. Ang isa sa dahilan kung bakit ito ang pinakauso at pinakakilala dahil ang mura lang nito at madali itong mahanap dahil nagkalat ito kung saan-saan.

Ano nga ba ang peel-off pore strip? Ang peel-off pore strip ay isang sticky cream na ipapahid mo sa iyong mukha. Kapag natuyo na ito, magiging isang sheet na pwedeng hilain. So, basically, ang mangyayari is since sticky yung cream, kakapit siya dun sa mga butlig na nasa mukha mo tulad ng iyong blackheads at whiteheads. Kapag tinanggal at hinila mo na yung pore strip, makukuha niya yung mga maliliit na butlig.

Medyo masakit ang pagtanggal ng pore strip at kapag hindi makapal ‘yung pinag-apply mo baka hindi matanggal ng maayos at baka magkabitak-bitak ito, dahilan para hindi matanggal ng maayos ang iyong blackheads.

Maraming nabibili sa 7-Eleven na pore strip packs. Ang pinaka-effective na maisa-suggest ko ay iyong Piladen at ‘yung sa iWhite Korea. Around 5-20 PHP ang isang pore strip na pwede mong gamitin sa isang gamitan.

Natural home remedies para matanggal ang blackheads

Kung ikaw naman ‘yung type na hindi masyadong gumagamit ng products dahil naniniwala ka na all-natural lang palagi, ito ang ilang at-home remedies na maari mong gamitin. Kaso nga lang, baka mas mahal pa sila kaysa sa pore strip.

Aloe vera mask

Ang aloe vera ay mayroong cleansing and antibacterial properties. Una, dapat nating malaman na ang dahilan kung bakit mayroon tayong blackheads ay dahil hindi natin natatanggal lahat ng dirt at bacteria na kumakapit sa ating balat.

Maaring maglagay ng isang makapal na layer ng aloe vera juice sa iyong mukha at tulugan ito. Kung sa tingin mo naman ay masyadong mabaho ang tunay na aloe vera juice, maaring bumili ng products na gawa sa aloe vera. Isa sa pinaka-sikat na aloe vera gel mask ay ‘yung sa Nature Republic na 180 PHP lang ang isang malaking tub.

Honey

Tulad ng aloe vera, ang honey ay mayroon ring antibacterial property. Maari mong ipahid ang isang makapal na layer sa iyong mukha at tulugan ito buong gabi. Pero ang downside nga lang dito ay mahal ang purong honey at mahirap rin ito hagilapin. Pwede ka ring humanap ng honey-based masks na maaari mong gamitin.

Loading...

Iyon ang ilang paraan na maaari mong subukan upang matanggal ang iyong blackheads. Sana ay maging successful ang iyong quest upang matanggal ang iyong blackheads. Pero syempre, bukod sa mga ibinigay kong mga paraan, dapat ring tandaan na palaging dapat mag-cleanse at mag-tone ng face upang matanggal ang mga dumi.

Comments

comments

error: Content is protected !!