​​

Paano Mawala Ang Pangangati ng Lalamunan | Gamot sa Makating Lalamunan

Napakahirap kapag mayroon kang makating lalamunan, maya’t maya ang pag-ubo. Hindi comfortable sa pakiramdam at minsan ay nakakahiya na. Dito sa article na ito, aalamin natin kung anu-ano ang mga pwedeng gamot para sa makating lalamunan.

Ang pagkakaroon ng makating lalamunan ay talaga namang nakakairita at kadalasan ay nakakasagabal na sa pang-araw-araw nating gawain. Kapag napabayaan pa ito, maaaring lumala pa at mapunta sa pamamaga ng lalamunan.

Alamin muna natin ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng makating lalamunan.

Mga Dahilan Kung Bakit Nagkakaroon ng Makating Lalamunan

Allergic Reaction

Ang lalamunan ay sensitibo sa mga allergens. Mabilis itong mag-react, allergic reaction. Posible na ang dahilan kung bakit nangangati ang iyong lalamunan ay may nasagap itong allergens. Sa pamamagitan ng pag-ubo, naaalis ang mga allergens.

Bacteria at Virus

Kung hindi na simpleng allergic reaction, ay baka sanhi na ng bacteria o virus. Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng pag-ubo. Dito na rin magsisimulang mamula o mamaga ang lalamunan. Mabilis rin kumalat ang mga ito at naiipasa. Kaya maipapaso na magtakip ng bibig kapag umuubo at ugaliin ang tamang paghugas ng kamay. Mag-safeguard. 😀


Paninigarilyo

Ang paninigarilyo ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng paulit-ulit na pangangati ng lalamunan. Kung mapapansin mo, ang isang taong naninigarilyo ay kadalasang inuubo. Pati na rin ang mga taong nakapaligid sa taong naninigarilyo. Dahil ito sa tinatawag na second-hand smoke at third-hand smoke.

Mga Gamot sa Makating Lalamunan

Ang gamot sa makating lalamunan ay depende sa kung ano ang sanhi nito. Kung ang sanhi ng pangangati ay allergy, pwedeng gumamit ng antihistamine. Popular ang mga over-the-counter na antihistamine ang Loratadine at Cetirizine. Para sa mga branded naman, popular ang Allerta.

Kung ang sanhi naman ay bacteria, nireresetahan ng doctor ng antibiotic. Tandaan, huwag basta-bastang iinom ng antibiotic. Kailangang sumangguni sa Doctor dahil ang maling pag-inom ay makakapagpalakas lamang sa bacteria.

Kapag virus naman, walang epekto dito ang antibiotic. Mas makabubuting magpa-check up na kaagad sa doctor para malaman at maresetahan ng tamang gamot.

Natural na Gamot Para sa Makating Lalamunan

  • Tubig – Ang simpleng pag-inom lang ng tubig ay nakakawala na ng pangangati ng lalamunan ay nakakaginhawa. Nakakagamot rin sa ubo. Kahit kaninong doctor mo pa itanong iyan.
  • Luya – Hiwain ang luya at pitpitin. Ilagay ang mga ito sa isang tasa ng mainit na tubig. Mas okay kung bagong kulo. Pwede rin naman na pakuluan ang luya. Inumin kapag matindi ang pangangati ng lalamunan. May nabibiling powdered ginger. Pwede na rin ito para ititimpla mo na lang.
  • Turmeric o Luyang Dilaw – Mayroon ding powdered turmeric. Medyo mahirap makahanap ng luyang dilaw. Pero kung makakakita ka ay pareho lang ang procedure na gagawin mo sa luya. May antibacterial component din ang turmeric kaya mabisa ito. Minsan nga ay hindi mo na kailangan pa ng antibiotic kapag gumagamit ka nito.
  • Honey – Kilala ang honey na nakakalunas sa iba’t ibang sakit. Isa na diyan ang pangangati ng lalamunan dahil may natural na antihistamine ang honey. Okay pa na pampalit sa asukal para sa mga diabetic.
  • Lemon –  Kilalang sagana sa vitamin C ang lemon na nagpapalakas sa ating immune system kaya naman pwedeng pwede rin ito sa makating lalamunan.
  • Calamansi – Minsan, mahal ang lemon. Mas murang alternatibo dito ang calamansi.
  • Lagundi – Ang dahon ng lagundi ay mabisang gamot sa ubo. Magpakulo ng mga dahon nito at inumin tatlong beses sa isang araw. May tablet version na nga rin nito at syrup. Sabi nga sa commercial, “Wag nang magpakulo.”
  • Oregano –  Ito ang kadalasang iniinom namin noong mga bata pa kami. Mabisang gamot sa ubo at makating lalamunan. Pakuluan lang ang mga dahon nito at inumin 3 beses sa isang araw.
  • Apple Cider Vinegar – Gaya ng honey, kilala din ito na gamot sa maraming sakit. Kayang kaya rin nito ang pangangati ng lalamunan at ubo. Isang kutsarita lang nito 3x a day. Pwede inumin direkta at pwede rin namang ihalo sa tubig.

*** Favorite recipe namin ang 1 tasang mainit na tubig + 1 kutsaritang turmeric powder + 1 kutsaritang apple cider vinegar + 2 kutsaritang honey + 1 calamansi.

Ngayon ay alam mo na kung anu-ano ang mga gamot para sa makating lalamunan. Tandaan lang, sumangguni sa doctor bago uminom ng kahit na anong gamot. At tandaan, pangalagaan ang kalusugan para makamit ang wastong nutrisyon.

Comments

comments

error: Content is protected !!