​​

Paano Gumawa ng Puto

Ang puto ay isa sa mga native na pagkaing pinoy. Ito ay kadalasang gawa sa giniling na bigas. Pero ang recipe natin ngayon ay isang alternative version kung paano gumawa ng puto gamit ang harina na karaniwang ginagamit sa paggawa ng ng tinapay.

Marami nang version kung paano gumawa ng puto. Depende na rin kasi iyan sa lugar o probinsiya. May kanya-kanya na silang version ng puto. Ang version na ito ay ang karaniwang mabibili ninyo sa mga palengke.

Gaya ng kutsinta, simple lang din ang mga sangkap at paraan kung paano gumawa ng puto. Simulan na natin!

Mga Sangkap sa Paggawa ng Puto

  • 1 cup All Purpose Flour (harina)
  • 1/2 cup White Sugar 
  • 1/2 tbsp Baking Powder
  • 6 tbsp Evaporated Milk
  • 1/2 cup Water
  • 2 tbsp Softened Butter
  • 1 Egg White (Large)
  • Slices of Cheese (sachet)
paano gumawa ng puto
Image Source: http://www.panlasangpinoyrecipes.com/puto-steamed-rice-cake-recipe/

Paraan kung paano gumawa ng puto:

  1. Ihiwalay ang egg yolk sa egg white. Egg white o yung puti ng itlog lang ang ating gagamitin sa recipe na ito ng paggawa ng puto.
  2. Paghaluhaluin sa isang lalagyan ang harina, sugar at baking powder. Haluing mabuti. Siguraduhing wala nang namumuong harina.
  3. Ihalo na rin ang iba pang sangkap (evaporated milk, water, butter). Haluing mabuti at siguraduhin muli na walang mamumuo.
  4. Ihanda ang mga molde. Lagyan ng butter o kaya mantika para hindi kumapit ang puto sa molde at mas madaling tanggalin kapag naluto na.
  5. Ilagay na ang mixture na pinaghalu-halo natin kanina sa mga moldehan. Huwag punuin dahil aalsa pa ang mga ito. Lagyan lang hanggang 2/3 o 3/4.
  6. I-steam sa loob ng 10 minutes sa mahinang apoy.
  7. Pagkatapos ng 10 minuto ay lagyan na ng keso sa ibabaw ang bawat moldehan na may mixture.
  8. I-steam muli sa loob ng 2-5 minutes hanggang sa matunaw ang keso sa ibabaw ng mga puto.
  9. Alisin sa steamer at palamigin.
  10. Kapag malamig na, pwede nang tanggalin sa moldehan ang mga puto.

Yan! Okay na! Mayroon ka nang malambot at masarap na puto.

Madali lang naman ang mga steps o paraan kung paano gumawa ng puto. Malay mo, baka sakaling maging negosyo mo pa at maging source ng dagdag kita para sa pamilya ang paggawa ng puto. Walang mawawala kung susubukan mo.



Comments

comments

error: Content is protected !!