​​

Paano Gumawa ng Resume (Plus!!! Libreng Halimbawa ng Resume)

Fresh graduate ka man o nagbabalak magpalit ng career o kaya naman ay huminto sa pag-aaral, isa lang ang dahilan kung bakit ka narito. Iyon ay dahil nais mong maghanap ng trabaho. At syempre, kasabay nito ay ang pangangailangan mong malaman kung paano gumawa ng resume.

paano gumawa ng resume

Ang isang resume ay isa sa mga requirements na hinahanap ng mga employers sa mga nagnanais magtrabaho para sa kanila o sa kanilang kumpanya. Nilalaman nito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aplikante na may kinalaman sa gusto niyang pasuking trabaho. Para matanggap sa isang trabaho, dapat ay mayroon kang isang malinis at maayos na resume na makaka-impress sa iyong mga employer o sa iyong mga boss. Pero huwag kang mag-alala dahil tuturuan ka namin kung paano gumawa ng resume.

Wala ring standard ang paggawa ng resume. Ibig sabihin, malaya kang gawin ang iyong nais sa paggawa ng resume. Isa rin kasi itong paraan para malaman ng employer kung creative ang aplikante.

Paano Gumawa ng Resume?

Mga impormasyon na dapat mong ilagay sa resume:

  • Pangalan – Totoo at buong pangalan. Maaari kang maglagay ng nickname o palayaw pero, huwag mo namang dayain na gagamit ka pa ng ibang pangalan.
  • Contact number – Mahalaga sa employer na alam nila kung paano ka nila makokontak lalo na kapag natanggap ka na. Ilagay mo ang iyong contact number na lagi mong ginagamit. Huwag yung number na nakalagay sa laging nakapatay na phone.
  • E-mail address – May mga employer na sa e-mail nagpapadala ng update tungkol sa aplikasyon. Kung wala ka pang e-mail address, gumawa ka na: Paano Gumawa ng E-mail Address. Maging propesyonal sa paggawa ng e-mail address. Mas okay na gamitin ang kombinasyon ng pangalan at apelyido sa pagpili ng username.
  • Home address – Kailangan ito kasi inaalam ng employer kung hindi ka ba masyadong malayo sa trabaho.
  • Objective – Ano ang iyong layunin para sa trabahong gusto mong pasukan. Gusto mo bang mag-improve o magpakadalubhasa sa iyong larangan? Gusto mo bang linangin pa ang iyong kakayahan? O gusto mong magpalit ng career? Ilagay mo iyon. Mamaya magbibigay kami ng mga halimbawa ng pwede mong isulat sa Objective o Career Objective.
  • Work Experience – Kung nakapagtrabaho ka na sa ibang kumpanya, kailangan mo iyong ilagay. Nais ng mga employer na malaman kung ano ang iyong ginagawa sa mga nakaraan mong trabaho.
  • Educational Attainment – Mahalaga ito lalo na sa mga fresh graduates na wala pang working experience. Ilagay mo ang iyong kurso at school kung saan ka nagtapos. Mahalaga sa kanila na malaman ang school kung saan ka nagtapos (ewan ko sa kanila).
  • Skills – May mga kakayahan ka na alam mong angat ka sa iba at alam mong makakatulong sa iyong trabaho. Idagdag mo ito sa iyong resume.

Tips sa paggawa ng resume:

  • Maglagay ng maayos na litrato. May mga kumpanya na may required na size ng litrato (1×1, 2×2, atbp). At may iba din na may required na background color. Kung may required, syempre, huwag ka nang pasaway at wag nang marami pang dahilan. Sundin ang required. Kung wala naman, ay isina-suggest namin na 2×2 picture na may puting background. Plain background lang. Huwag iyong may makikita pang mga abubot sa iyong likuran. At, syempre naman, siguraduhing malinis at maayos ang iyong itsura. Mas mabuti kung magsuot ng pormal na pang-itaas para sa litrato. Huwag iyong naka-t-shirt lang at mas lalong huwag nakasando.
  • Ang resume ay ipi-print mo sa isang short bond paper. Malinan na lang kung ire-require ng employer na sa ibang paper size mo ipi-print ang iyong resume.
  • Pumili ng maayos at malinis tignan na font. Piliin mo iyong font na ginagamit sa mga pormal na bagay – Arial, Calibri, Times New Roman o Georgia. Default na ni Microsoft Word ngayon ang Calibri. Kung natutuwa ka sa itsura ng Comic Sans, pwes, hindi iyan nakakatuwang tignan sa resume. Resume ang ginagawa mo at hindi comics. Maging propesyunal.
  • Siguraduhin rin na ang font size ay hindi gaanong malaki o maliit. Maaring gamitin ang Font Size 12 bilang pinaka-mainam na magamit na font size. May mga impormasyon na maaaring mas lakihan mo ang font size gaya ng iyong pangalan at mga header.
  • Siguraduhin rin na ang layout ng iyong resume ay malinis at maayos. Ano ba ang malinis na layout? Iyong hindi pabago-bago ng font at font size. Gaya ng nabanggit na kanina, ayos lang na mas malaki ang font size ng pangalan at mga headers. Pero doon lang. Huwag kang magpapalit ng font size para sa mga impormasyon.
  • Puting bond paper ang gamitin. Huwag kang gagamit ng mga specialty paper para sa iyong resume. At mas lalong huwag kang gagamit ng mga scented paper para lang magpa-impress. Baka otomatiko pang pumunta ang iyong resume sa basurahan pag nagkataon.
  • Ang resume ay hindi isang nobela. Hindi mo kailangang gawin itong napakahaba. Kung inaakala mong mas maganda iyong mahaba at madaming nakasulat sa resume ay nagkakamali ka. Ilang bagay lang ang mahalagang malaman ng employer at hindi ang buong buhay o pagkatao mo bilang aplikante.
  • Kung may kailangan kang itama sa mga impormasyon tungkol sa iyo, ayusin mo ito sa computer at huwag gugurihan na lang ang papel. Huwag din gagamit ng correction ink o correction tape. Mahalagang malinis ang resume. Ipapakita nitong malinis ka sa iyong kagamitan.

Halimbawa ng Career Objective para sa Resume:

  • I am seeking employment with a company where I can use my talents and skills which will help me and the company to grow.
  • To work in a company where I can use my experience and education to help the company meet and surpass its goals.
  • To obtain a job within my chosen field that will challenge me and allow me to use my education, skills and past experiences in a way that is mutually beneficial to both myself and my employer and allow for future growth and advancement.
  • Obtain a challenging leadership position applying creative problem solving and lean management skills with a growing company to achieve optimum utilization of its resources and maximum profits.
  • Seeking position as System Engineer and support of most IT needs.
  • Career Objectives for Resume

Ngayon, naihain na namin sa iyo kung paano gumawa ng resume. Pero kung nahihirapan ka pa rin gumawa ng resume, alam mo bang may mga website na hindi ka lang nila tuturuan kung paano gumawa ng resume, magpi-fill up ka lang ng form, pagkatapos ay magkakaroon ka na rin ng resume na handa na para i-print. I-try mo ang mga website na ito.

Pero kahit na may online resume maker, tandaan mo pa rin sana ang aming mga tips kung paano gumawa ng resume. At gaya ng naipangako sa title, hindi lang namin kayo tuturuan kung paano gumawa ng resume, magbibigay din kami ng mga halimbawa kaya narito ang mga halimbawa ng resume.

Hindi sa amin ang mga resume na ito pero napakaganda ng pagkakagawa at nilalaman ng mga resume na narito kaya naman ito ang nais naming maipakita sa inyo para matutunan ninyo kung paano gumawa ng resume.

halimbawa ng resume

Halimbawa ng Resume from Vault.com

Sana ay nakatulong sa inyo ang article na ito sa inyong paggawa ng resume at good luck para sa paghahanap ng trabaho. Maging positibo ka lang at magkaroon ng self-confidence at siguradong kayang kaya mo yan. At kung sakali mang ipapatawag ka na para sa interview, makakatulong din sa iyo ang mga article na ito:

Loading...

At kung sakali naman na kakailanganin mo ng iba pang paraan para kumita ng pera sa maliit na puhunan, sundan mo lang ang link na ito at tuturuan ka namin: Paano Kumita ng Pera sa Maliit na Puhunan.

Comments

comments

error: Content is protected !!