​​

Paano Mag-budget ng Pera

Bakit kailangang matutunan kung paano mag-budget ng pera? Kasi, ang pera ay hindi ulan na nahuhulog mula sa langit. Hindi rin ito napupulot kung saan-saan. Mas lalo nang hindi ito inaanod sa tabi ng ilog. Mahirap kumita ng pera. Kailangan itong paghirapan at pagpawisan. Hindi ito basta-basta nakukuha. Naisasakripisyo natin ang ating oras at pamilya, minsan pa nga ay ang ating kalusugan, para lamang makapagtrabaho at kumita ng pera. At laking hinayang mo kapag ang sweldo na iyong kinita ay biglang naglaho ng parang bula. May babayarin ka pang kuryente at tubig. May tuition pa si bunso. Saan ba nagpunta ang pera mo?

Narito ang ilang tips kung paano mag-budget ng pera nang maayos at hindi ka na magtataka kung saan napupunta ito.

Paano mag-budget ng pera?

paano mag-budget ng pera

Itala lahat ng gastos

Unang-una sa lahat, dapat mong itala (o i-record) lahat ng iyong gastos. Mula sa binibiling grocery, sa bigas, at sa lahat ng babayarin tulad ng renta, kuryente at tubig, hanggang sa maliliit na kagustuhan tulad ng sapatos at damit, kailangan mong malaman kung ano-ano ang iyong binibili. Kailangan mong malaman kung saan napupunta ang iyong pera.

Magkaroon ng isang record book kung saan nakasulat lahat ng iyong binibili at ang halaga nito. Oo, tama, LAHAT ng iyong binibili. Isang cup ng Starbucks o isang Budget Meal – lahat ay iyong itala. Isama mo na rin ang date. At sa katapusan ng buwan, paghiwa-hiwalayin ang iyong mga gastos (pamasahe, pagkain, para sa apartment). Tignan ang halimbawa sa ibaba:

Date Ano Magkano
July 21, 2016 Bus ride (papunta)

Lunch

Meryenda

Bus ride (pabalik)

P20

P50

P20

P20

July 22, 2016 Grocery

Renta

Bus ride (papunta)

Lunch

Meryenda

Jeep ride (papuntang supermarket)

Bus ride (pabalik)

 

P250

P800

P20

P50

P20

P8

P20

July 23, 2016 Bus ride (papunta)

Lunch

Meryenda

Bus ride (pabalik)

P20

P50

P20

Loading...

P20

Mahahati ang iyong gastusin sa: Pamasahe, pagkain, at para sa bahay.

Mabibilang sa PAMASAHE ang: Bus ride, papunta at pabalik sa loob ng tatlong araw.
Mabibilang sa PAGKAIN ang: Lunch at meryenda ng tatlong araw at grocery.
Mabibilang sa PARA SA BAHAY ang: Renta para sa buong buwan.

Ang total ng PAMASAHE ay: P128 (sa loob ng tatlong araw)
Ang total ng PAGKAIN ay: P460
Ang total ng PARA SA BAHAY ay: P800

Ang mga kabuuang halaga (total) na nakuha mo ay ang magiging batayan mo sa paggawa ng isang budget plan.

Paggawa ng Budget Plan

Mahalagang malaman mo ang iyong sweldo—o income sa isang buong buwan. Gamitin mo ang data na iyong nakuha upang malaman kung magkano lahat ng iyong babayarin. Nahahati sa dalawang uri ang iyong babayarin: FIXED EXPENSES at VARIABLE EXPENSES. Fixed expenses dahil parehas parati ang halaga nito (tulad ng: renta at tuition) at variable expenses dahil maaring tumaas ito o bumaba depende sa iyong pagbili (halimbawa ay: pagkain, pamasahe, etc).

Dito, maari ka ng gumawa ng iyong budget plan. Isaalang-alang ang iyong FIXED EXPENSES dahil ang mga ito ay importante. Huwag ring isasakripisyo ang iyong mga batayang pangunahing pangangailangan.

Maaari mong bawasan ang iyong VARIABLE EXPENSES sa pamamagitan ng pagtitipid. Pagtitipid sa ginagamit na tubig, kuryente o pagkain. Take note: pagtitipid. Iba ang kahulugan ng pagtitipid sa paggutom sa iyong sarili.

Kung kinukulang ka ng pambayad para sa iyong FIXED EXPENSES, maari mong bawasan ang iyong VARIABLE EXPENSES. Ngunit huwag mong tatapyasan ang iyong pangunahing pangangailangan (pagkain). Tulad ng iyong meryenda o ang iyong pamasahe. Kung malapit lang ang pupuntahan maglakad ka na lang, iwas sa traffic at nakakapag-exercise ka na rin. (Ang topic na ito, ay natalakay sa: Paano Magtipid ng Pera At Iba Pa.)

Mga Apps na makakatulong kung paano mag-budget ng pera.

Salamat sa teknolohiya. Marami na ngayong mga apps nakakatulong mo para makapag-budget ka nang maayos. Available ito sa Google Playstore at Apple App Store. I-search mo lang ang keyword na “budget” o “money”. O kaya naman ay hanapin mo ang “MONEY” sa mga category. O kaya naman, subukan mo ang mga ito:

Maging creative!

Paano maging creative sa pagba-budget? May nabasa akong isang blog post na gumamit siya ng mga bote para sa pagba-budget. Nakakatuwa ang paraang ito. Basahin ninyo ang full post sa kanyang blog: Til Debt Do Us Part.

Mag-set ng iyong goal

Sa isang buwan, hamunin mo ang iyong sarili na makapag-save ng isang particular na halaga. Pera para sa isang kotse, pera para sa isang overseas trip, pera na iyong itatabi kung sakaling may emergency upang mayroon kang madudukot. Ito ang ebidensya ng iyong tagumpay, at naging successful ang ginawa mong pagba-budget. Ipunin ang iyong pera sa banko at panoorin mo itong lumago.

At kung ang savings mo ay lumaki na, sa halaga ng pang-kapital para sa iyong negosyo, maari kang magtayo ng iyong negosyo ng lumaki pa ang iyong pera. Maari ka ring mag-donate sa mga charities, bilang pasasalamat sa iyong kinikita. Kung lumaki na ang iyong pera, maari nang mag-isip kung saan mo gustong gamitin ang perang iyan. Maari mo itong i-invest ng lumaki pa, o ilaan para sa isang insurance company – nasa iyo ang desisyon.

Galingan mo sa pagba-budget ng mayroon kang magagamit sa oras ng pangangailangan at lumaki pa ang iyong pera para sa hinaharap. I-share mo na rin sa iyong mga kaibigan ito para alam na rin nila kung paano mag-budget ng pera nila.

Comments

comments

error: Content is protected !!