​​

Paano Mag-enroll sa TESDA FREE Online Courses

Halos kada buwan ay nadadagdagan ang mga naghahanap ng trabaho. Kabi-kabila na nga ang mga Job Fairs pero sa kahit na marami nang Job Fairs, mataas pa rin ang unemployment rate o ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Isa sa mga dahilan nito ay ang kakulangan sa skills na hinahanap ng isang employer sa nag-a-apply ng trabaho. Kaya naman, isa rin sa mga paraan para matanggap sa trabaho ay ang magdagdag ng skill. Kung iniisip mo na gastos na naman ang pagdadagdag ng skill, nagkakamali ka. Dahil may mga libreng online courses sa TESDA. Ituturo namin sa iyo dito ngayon kung paano mag-enroll sa TESDA FREE Online Courses.

Hindi ka namalik-mata. Totoong FREE ang mga ito. Ang kailangan mo lang ay internet connection, dagdag na sipag at pagbibigay ng oras para gawin ito at siguradong matututo ka. Target ng TESDA FREE Online Courses na makapagbigay ng dagdag na kaalaman at skills sa mga OFW, out-of-school youths, mga unemployed, mga estudyante, mga kaka-graduate lang, o kahit mga nagtatrabaho na at mga propesyunal na gusto magdagdag ng skill set o magpalit ng career.

Bakit mabuting mag-enroll sa TESDA FREE Online Courses?

  1. Libre kasi ito. No tuition fee. Totally FREE. Wala lang iisipin na gagastusin dito. Kumbaga, hindi ka na mamumuhunan ng pera.
  2. Magandang investment din ito kasi pinapataas mo ang value ng sarili mo para sa mga employer. At sabi nga, ang pinakamagandang investment ay ang pag-i-invest para sa sariling kaalaman.
  3. Hawak mo ang oras mo. Pwede kang mag-aral kahit saan at kahit kailan mo gustuhin. Kung may trabaho ka, pwede kang mag-aral pagkatapos ng trabaho mo.
  4. Magkakaroon ka ng extra income. Kung magkakaroon ka ng bgaong skill, pwede mong magamit ang bagong skill mo para magsimula ng bagong negosyo o side hustle.

Paano Mag-enroll sa TESDA FREE Online Courses?

Narito na ang mga steps at mga screenshots kung paano mag-enroll sa TESDA Free Online Courses. Sa unang bahagi ay ituturo namin kung paano mag-register o paano magkaroon ng account sa TESDA. Kailangan mo ito para makapag-enroll ka.

#1 Magpunta sa TESDA Online Program Website. >> https://www.e-tesda.gov.ph/.

#2 Sa itaas na bahagi ng website sa bandang kanan ay may makikita kang “Not yet register? Click here.”. I-click mo iyon para makapag-register ka sa TESDA. Pero pwede ka rin dumirekta na dito para makapag-register: https://www.e-tesda.gov.ph/login/signup.php

#3 I-fill up ang registration form. Siguraduhing malagyan ang lahat ng required na information. Siguraduhin din na piliin ang “Agree” sa Privacy Policy sa bandang ibaba. At pindutin ang “Create Account”.

Basahin:

#4 Magpapadala ng e-mail ang TESDA sa e-mail address na inilagay mo na naglalaman ng link na kailangan mong i-click para ma-confirm ang iyong paggawa ng TESDA online account. I-click mo ang confirmation link.

#5 Dadalahin ka ng link muli sa TESDA website kung saan may nakasulat na nai-confirm mo na ang iyong account. I-click mo lang ang “Continue”.

#6 Ngayon ay mayroon ka nang account. Pwede ka nang mag-browse ng mga FREE online courses ng TESDA.

TESDA FREE Online Courses

#7 I-click ang mapipiling course. Halimbawa, pinili ko ang “SMART Technopreneurship 101”.

#8 I-click ang “Enroll me”.

#9 Ayos na! Naka-enroll ka na sa isang TESDA FREE Online Course. Pwede mo nang simulan ang iyong pag-aaral.

Loading...

So, ano pang hinihintay mo? Simulan mo nang mag-aral sa TESDA. Wala namang mawawala di ba? Bagkus ay madadagdagan pa ang iyong kaalaman na pwede mong gamitin para makapaghanap ng trabaho o magsimula ng sariling negosyo o kaya naman  ay ma-promote. Good luck!

Comments

comments

error: Content is protected !!