​​

Paano Mawala ang Depression o Depresyon (at mga Tips Kung Paano Ito Maiiwasan)

Paano mawala ang depression? Paano makakawala sa pagiging depressed? Paano makakaahon muli mula sa depression? Iyan ang mga taong ng isang taong gustong makawala mula sa depression. Mahirap maging depressed. Hindi ito biro at maaari pang lumala. Kaya naman, hangga’t maaari ay maagapan na ito.

Paano mawala ang depression

Paano mawala ang depression?

Ano ang depresyon o depression?

Ang depression ay isang uri ng mental illness na nakakapekto sa nararamdaman ng isang tao emotionally at physically. Partikular na dito ang sobrang pagka-down o kalungkutan sa loob ng 2 weeks o higit pa.

Paano nagkakaroon ng depression?

Hindi pa rin malinaw kung paano nakukuha ang depression. Pero ito ay nagsisimula sa mga di inaasahang negatibong pangyayari sa buhay. Halimbawa na lamang ay ang mawalan ng mahal sa buhay. Magdudulot ito ng labis na kalungkutan na kapag hindi napaglabanan ay mauuwi sa depression.

Mga sintomas ng depression

Iba’t iba ang sintomas ng depresyon sa tao. Depende na rin ito sa kanyang kapaligiran at sa mga taong kanyang nakakasalamuha sa araw-araw. Narito ang ilan sa mga sintomas ng depression:

  • Labis na kalungkutan
  • Madalas na pagkatulala
  • Kawalan ng pag-asa
  • Pagiging iritable kahit sa mga simpleng bagay
  • Palaging pagod o mabilis mapagod
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Kawalan ng ganang gawin ang mga bagay na dati naman ay madalas ginagawa
  • Pagbaba ng energy ng katawan
  • Sakit ng ulo at mga kalamnan
  • Pag-iisip ng mga negatibong bagay gaya na lamang ng pagbawi ng sariling buhay

Paano mawala ang depresyon

Paano mawala ang depression?

Ang lunas o ang paraan kung paano mawala ang depression ay depende sa antas nito sa isang tao. Kung malala na, mas makakabuting kumonsulta na sa doktor. Sasabihin ng doktor kung kinakailangan nang kumonsulta sa isang psychologist o kung kinakailangan na ng psychotheraphy.

Pero kung ang depression ay maaagapan, ang pagpapalit o pagbabago ng lifestyle ay makakatulong.

  • Sumubok ng ibang bagay o ibang pwedeng gawing libangan o hobby.
  • Mag-exercise. Mag-jogging sa isang park para makakita naman ng ibang tanawin o kaya ay mag-gym at makipagkilala sa iba.
  • Mag-meditate >> Paano Mag-meditate 10-15 Minuto Kada Araw
  • Kumain nang tama o kaya magpalit ng sinusundang diet.
  • Makisalamuha sa mga kaibigan. Huwag matakot magkwento ng nararanasan sa mga mapapagkatiwalaang kaibigan. Malaki ang maitutulong ng mga kaibigan sa ganitong pagkakataon.
  • Umiwas sa stress. >> Paano Mawala ang Stress
  • Magtiwala sa sarili at maniwalang malalagpasan mo ang lahat ng pinagdadaanan. >> Paano Magkaroon ng Self-confidence
  • Maging positibo o magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. >> Paano Maging Positibo
  • Mahalin ang sarili
  • Higit sa lahat, magtiwala sa Lumikha. Magtiwala sa Diyos. Madalas sa ganitong pagkakataon ay nawawalan ng tiwala sa Diyos ang isang tao. Pero hindi iyan dapat. Magtiwala at kumapit sa Kanya. Hindi ka Niya pababayaan.

Sana ay makatulong ang aming mga payo kung paano mawala ang depression. Muli, magtiwala sa Diyos. Hindi ka Niya pababayaan.

Loading...

References:

Comments

comments

error: Content is protected !!