​​

Paano Mawala ang Insomnia o (PLUS Tips Para sa Mahimbing na Pagtulog)

Libu-libo ang pinahihirapan ng insomnia. Mahirap naman talaga iyong hindi ka makatulog sa gabi kung kailan kailangan o nais mo nang matulog. Kaya sa article na ito magbibigay kami ng tips na malaki ang maitutulong kung paano mawala ang insomnia na nagpapahirap sa iyo.

Napakahalaga ng pagtulog sa kalusugan ng isang tao. Pero marami ang kumakapit na sa gamot para lamang makatulog. Ang karamihan pa sa mga gamot na ito ay hindi effective o kaya naman ay may masamang side effects sa kalusugan. Pero huwag kang mag-alala dahil mayroon namang mga pwede mong inumin na walang masamang side effects o minimal lamang. At may mga pwede kang gawin para malabanan ang insomnia nang hindi nagte-take ng medication.

Paano Mawala ang Insomnia

Iba’t iba ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng insomnia. Pinakamabigat sa mga ito ay ang hormonal imbalance at stress. Ang mga tips na ibibigay namin sa ibaba ay makakatulong sa iba’t ibang kaso ng insomnia. Maaaring hindi umepekto sa iyo kung ang insomnia mo ay mas malala na. Kapag ganoon, mas makakabuting sumangguni ka sa isang doctor. Pero walang mawawala sa iyo kung susubukan mo muna ang mga ito.

#1 Stay Healthy

Malaki ang maiitulong ng pag-e-exercise. Huwag mo lang gagawin ito sa oras na malamit ka nang matulog, dahil mas posibilidad na mas lalo kang hindi makakatulog kahit pagod ang katawan mo dahil magiging active naman ang utak mo. So, mag-exercise nang mas maaga.

Malaki rin ang maiitulong ng tamang diet. Mas healthy ang kinakain, mas okay ang pagtulog, at mas healthy ka.

#2 Loosen Up

Madali lang sabihin pero alam kong mahirap itong gawin. Pero para makatulog ka nang mahimbing, kailangan mong i-free up ang isip mo mula sa mga problemang kinaharap mo sa buong araw. Huwag mo mung problemahin ang lovelife. Hindi ibig sabihin na kakalimutan mo na, kundi hindi mo lang iisipin. Alam mo kasi, kapag sinanay mo ang sarili mo na nag-iisip ng problema o solusyon sa problema bago matulog, makakasanayan mo iyan. So, loosen up.

Sa halip na problema at solusyon ang isipin mo, iisantabi mo na lang muna. Isip ka ng ibang bagay. Mag-meditate ka. Bigyan mo ng moment ang iyong sarili.

#3 Learn relaxation techniques

Kaugnay ng tip #2, kailangan mong matuto kung paano mag-relax. At, syempre, magagawa mo iyan kung nai-free up mo ang isip mo mula sa mga problema ng maghapon.

Maraming technique na makakatulong para mag-relax ang isang tao. May mga tao na, nare-relax sa paborito niyang genre ng music. May kilala nga ako na nakakatulog kapag nakikinig ng mga rock o metal na tugtugin. Mayroon din naman na pwede mong bilihin o i-download na guided meditation na makakatulong sa iyo para mag-relax at makatulog kaagad.

Mayroon ding mga breathing techniques na mas mabilis makakapagpa-relax sa iyo. Pwede mong i-try itong mga techniques na itinuro sa mga videos na ito:


from: https://www.youtube.com/watch?v=j2buU40tNnc


from: https://www.youtube.com/watch?v=RI71gFrp8w4

Tips Para sa Mahimbing na Pagtulog

Kailangan ng ating katawan ang 6-8 hours na tulog na dire-diretso. Hindi yung paputol-putol na tulog. Masakit iyon sa ulo. Kaya naman bibigyan namin kayo ng tips kung paano kayo makakatulog nang mahimbing.

  1. Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog.
  2. Magkaroon ng regular na oras para sa pag-eehersisyo.
  3. Umiwas sa pag-inom ng kape lalo na kapag malapit na ang oras ng pagtulog.
  4. Umiwas sa pag-inom ng alak at paninigarilyo.
  5. Subukang mag-take ng melatonin.
  6. Subukan din mag-take ng vitamin B complex.
  7. Huwag masasanay sa sleeping pills.
Loading...

Ayan! Ngayon ay alam mo na ang mga tips namin kung paano mawala ang insomnia na nagpapahirap sa iyo. Mas makakatulog ka na ng mahimbing at for sure, mas magiging blooming ka pa. Kung sakaling hindi effective ang mga nabanggit, mas makabubuting magpa-check up ka na kasi baka malalang kaso na ng insomnia ang nararanasan mo at mas nangangailangan na ng mas masusing medication.

Comments

comments

error: Content is protected !!