​​

Paano Kumuha ng Passport [UPDATED]

Mas madali na ngayon ang paraan kung paano kumuha ng passport. Isa kasi ito sa mga binigyang pansin ng ating gobyerno. Bukod pa doon, mas matagal na rin ang expiration ng passport, kaya sulit na sulit na ang pagkakaroon nito.

Online na ang appointment ngayon sa pagkuha ng passport. Dahil dito, nabawasan na magiging hirap o sakripisyo sa maghapong pagpila ng mga nagnanais kumuha ng passport.

Paano Kumuha ng Passport?

Para sa mga bagong applicant, kailangan munang magpa-appointment online via DFA website: Schedule an Appointment. Hindi lahat ay kailangang magpa-appointment, may mga exempted dito:

  1. SENIOR CITIZEN and one (1) travel companion
  2. PERSON WITH DISABILITY (PWDs) and one (1) travel companion
  3. SOLO PARENT and his/her minor children
  4. PREGNANT WOMEN
  5. MINORS SEVEN (7) YEARS OLD AND BELOW and his/her parents and minor siblings
  6. OVERSEAS FILIPINO WORKERS (land-based, or seafarers)

Makakakuha naman ng OFW LANE or COURTESY LANE sa DFA Aseana o kaya naman ay sa kahit saang DFA Consular Office para mag-apply ng passport.

Checklist sa pagkuha ng passport:

  • Kailangan ang personal appearance
  • Dapat mayroong confirmed appointment
  • Duly accomplished application form na maaaring i-download sa website ng DFA
  • Birth Certificate mula sa Philippine Statistics Authority (dating NSO) o Certified True Copy CTC) nito na inisyu ng Local Civil Registrar
  • Mga valid na IDs at supporting documents na magpapatunay ng iyong identity

Online Appointment at mga Hakbang Kung Paano Kumuha ng Passport

  1. Punta ka sa DFA website para sa online appointment: Schedule an Appointment.
  2. Basahin ang Terms and Condition at i-check ang checkbox kapag nabasa na at piliin ang application na gustong applyan: [Start Individual Appointment] o [Start Group Appointment].
  3. Piliin mo ang pinakamalapit na DFA Regional Office sa inyong lugar na maaari kang mag-set ng appointment.
  4. Pumili ka ng date at oras para sa iyong appointment. Piliin mo yung date na siguradong hindi ka male-late.
  5. Punan ang mga needed information. Siguraduhing tama ang mga spelling. Huwag madaliin. Ang mahalaga ay tama para wala nang aberya pa.
  6. Piliin kung ano ang klase ng iyong application, kung ito ba ay new applicant o renewal. Ilagay din ang kumpletong pangalan ng contact at contact number, address at iba pang mga required na information.
  7. I-submit ang iyong application.
  8. Makakatanggap ka ng email mula sa DFA. Buksan ang email at kunin ang ipinadalang appointment code. I-click ang link sa email upang ma-confirm ang inyong appointment.
  9. Upon confirmation mula sa email, lalabas ang page kung saan kailangan mong piliin kung ano ang “Processing Type” na gusto mo – [Regular Processing] o [Express Processing]. Ang bayad sa regular ay ₱950, habang ang Express ay nagkakahalaga ng ₱1200.
  10. I-click ang [Pay Now] upang lumabas ang [Payment Confirmation] prompt.
  11. I-click ang [Proceed to Payment] para dalhin kayo sa ePayment Portal ng DFA. Maaaring magbayad sa mga authorized payment centers o channels tulad ng Coins.PH (pwede ka ring kumita gamit ang Coins.PH app), Bayad Center, at iba pa.
  12. I-settle ang bayad sa loob ng 48 hours.
  13. Pagkatapos magbayad, i-check muli ang email at i-print ang mga ipinadalang dokumento tulad ng Checklist ng schedule, Confirmed Application Form na may bar code, appointment reference number (ARN), at eReceipt number (2 copies of the eRECEIPT).
  14. Huwag kalimutang dalhin ang mga kaukulang dokumento sa takdang araw at oras. Maglaan ng sapat na oras at maagang pumunta sa opisinang napili. Tandaan ulit, bawal ang late.

Listahan ng mga valid IDs sa pagkuha ng passport:

  • Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
  • Land Transportation Office (LTO) Driver’s License
  • Professional Regulatory Commission (PRC) ID
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) / Integrated Department of Labor and Employment (iDOLE) card
  • Commission on Elections (COMELEC) Voter’s ID or Voter’s Registration Record from COMELEC Head or Regional Office
  • Philippine National Police (PNP) Firearms License
  • Senior Citizen ID
  • Persons with Disabilities (PWD) ID
  • School ID (for students)
  • Current Valid ePassport (For Renewal of ePassport)
Loading...

Yan ang mga hakbang kung paano kumuha ng passport. Mas mabilis na ang prosesong iyan kumpara noong mga nakaraang taon. Apply ka na at para ma-enjoy mo na ang mga travel goals mo.

Comments

comments

error: Content is protected !!