​​

Paano Kumita sa Coins.PH

Marami ang nagtatanong kung pwede nga ba o kung paano kumita sa coins.ph. Pwede nga ba? Oo, pwede. Paano? Iyan ang tatalakayin natin ngayon.

Ano ang coins.ph?

Ang coins.ph ay isang app kung saan magagamit mo ang iba’t ibang financial services kahit wala kang bank account. Magkakaroon ka ng access sa isang mobile wallet at iba’t ibang services gaya ng remittances o pagpapadala ng pera, air-time o e-load/electronic load, bill payments, at pambayad sa online shopping. Supported din ng coins.ph ang blockchain technology (ito yung technology na ginagamit sa bitcoin).

Ginawa ang coins.ph hindi para pagkakitaan kundi para mapagaan ang paggamit natin ng iba’t ibang financial services. Pero kumbaga, naging bonus na lang na pwede pala tayong kumita ng pera gamit ang app na ito. Available ito sa Android at iOS devices.

paano kumita sa coins.ph

Paano magkaroon ng account sa coins.ph?

Create your coin.ph account

  1. Sign Up <<– I-click ang link na iyan at mag-sign up ka muna.
  2. Fill up mo lahat ng mga boxes.
    1. Mobile number or e-mail address
    2. Password
    3. Click “Create Account”
  3. Kailangan mong i-verify ang iyong ginamit na mobile number o e-mail address. Kung mobile number ang ginamit mo, magpapadala sila ng SMS at kailangan mong mailagay ang verification code. Kung E-mail naman, doon nila ipapadala sa e-mail ang verification code na kailangan mong i-enter. Payo namin, gawa ka na lang ng e-mail at iyon ang gamitin mo sa registration. Kung wala ka pang e-mail account, alamin mo dito kung paano gumawa ng google account o paano gumawa ng e-mail account.
  4. Kapag na-verify mo na, pwede mo nang magamit ang iyong coins.ph account. Pero may mga limitations pa gaya ng limited transaction lang per day at hindi mo pa magagamit para kumita ng pera. Kailangan mo muna mag-send sa kanila ng iyong selfie at ID. Sundan mo lang ang instruction sa app ng coins.ph kung paano ito gawin.

Paano kumita sa coins.ph?

#1 Refer-a-friend

 

Unang paraan kung paano kumita sa coins.ph ay ang pagre-refer mo ng iyong mga friends. Simple lang ito. Kapag nag-sign up ka sa coins, magkakaroon ka ng referral code at referral link kagaya ng nasa picture sa itaas. Makikita mo iyan sa app o kaya ay sa website.

Next step, kailangang mag-sign up ang friend mo gamit ang referral code or link mo. Pareho din ang sign up process niya sa sign up process na sinundan mo kanina lang. Syempre, kailangan din niyang i-verify ang email or mobile number niya at kailangan din niyang mag-send ng selfie at ID for verification. At kapag nagawa na niya iyon, automatic na magpapadala sa iyo si coins.ph ng PHP50.

Maliit na halaga lang pero wala ka naman ginastos di ba? Saan ka naman makakapulot ng PHP50? Saka sa sampung kaibigan mo, e di may PHP500 ka na. Di ba?

#2 Mag-load at Magbenta ng load

Isa sa mga feature sa coins.ph ay ang pwede kang bumili ng load. Pero bago mo magawa ito, kailangang may laman muna ang coins.ph account mo. Kahit magkano lang na gusto mo. Pinakamadaling paraan ay ang mag-cash in via 7-eleven. I-click mo sa app mo ang “cash in” then piliin ang 7-eleven. Tapos, sundan mo lang ang instructions.

Ngayon, kapag may laman na ang account mo, pwede ka na magbenta ng load. Ang coins.ph kasi ay nagbibigay ng 10% rebate kada load. Kung may magpa-load ng PHP50, bibigyan ka ng coins.ph ng 10% o PHP5. So, puhunan na lang kailangan mo. Kung may PHP100 ka, pwedeng paikutin mo na yun. O yung kikitain mo sa referral, pwede mo na gamitin sa instant loading station mo.

#3 Magbayad ng bills

Nagbibigay sila ng PHP5 kada bill na babayaran mo gamit ang app. Maliit na halaga lang pero kung magbabayad ka ng limang(5) magkakaibang bill sa loob ng isang linggo (Mon-Sun), magbibigay sila ng extra PHP100 na rebate.

So ang teknik, bayaran ang mga bills sa loob ng 1week.

#4 Bitcoin

Uy, bitcoin! Sikat ito ngayon. Pataan kasi ng pataas ang halaga nito. Sa coins.ph, pwede kang bumili ng bitcoin.

Related image

Simple lang, i-click mo lang yung “convert” at ilagay kung magkano ang gusto mong i-convert. Walang minimum kaya kahit konti lang pwede mong i-convert kung natatakot ka at gusto mo lang subukan.

Next, hintayin mong tumaas ang value ng bitcoin bago mo i-convert muli from bitcoin to peso naman. Pero kung ako sa iyo, pag-aaralan ko muna lalo na kung magco-convert ka na ng mas malaki pang halaga.

#5 Magbenta online

Magbenta ka ng mga products online. Pwede kang mag-resell ng kahit na ano at gamitin mo ang coins.ph bilang mode of payment ng business mo. Narito nga pala ang isang article namin kung paano kumita gamit ang Facebook. Pwede kang dito magsimula. >> Paano Gumawa ng Online Shop sa Facebook.

Loading...

Iyan ang 5 paraan kung paano kumita ng pera gamit ang coins.ph app. Maraming opportunity. Kailangan mo lang ibukas ang iyong isipan para makita ito. Huwag rin sayangin ang pagkakataon. Simulan mo na kaagad. Hindi na pinapatagal pa iyan. Ika nga nila, baka mapanis na. Ngayon pa na alam mo na kung paano kumita sa coins.ph. Ano pa hinihintay mo? Sign up na!

 

Comments

comments

error: Content is protected !!