​​

Paano Maging Online Seller Ngayong Panahon ng Krisis

Stay at home. Yan ang palagi nating naririnig sa mga balita. Pero ang hirap nga naman manatili sa bahay lalo na kung walang ibang pagkakakitaan. Kaya naman, dala na rin ng panahon, marami ang humahanap ng ibang raket. Kaya sa aticle nating ito, ituturo natin kung paano maging online seller.

Bakit online selling?

Dahil sa mga limitasyon, gaya ng social distancing, malaki ang naging advantage ng online selling. Una, online ang mga transactions kaya naman sigurado ang social distancing. Pangalawa, cashless din, na approved sa standard ng IATF. At pangatlo, maraming opportunity at malawak ang nararating. Kumbaga, basta may internet connection, customer mo.

Paano Maging Online Seller

Paano Maging Online Seller

Game na! Simulan na natin. Paano nga ba maging online seller?

#1 Mag-decide kung ano ang iyong ibebenta online.

Napakadami mong pwedeng ibenta online. Halos na lahat na nga ay pwede. Mapa-digital products man gaya ng ebooks, courses, hanggang sa physical products gaya ng gadgets at iba pa. I suggest na mag-focus ka lang sa isa o dalawang bagay na ibebenta. Mahirap naman kasi kung lahat na lang ay ibebenta mo.

Pwede ka ring mag-focus sa isang niche o category. Ano ito? Halimbawa, ang niche mo ay mga gamit na pang-new born baby. So, ang mga tinda mo ay lampin, feeding bottle, at iba pa.



Negosyo sa maliit na puhunan ba ang hanap mo? Click mo dito.

Kung wala ka pang idea para sa mga pwede mong ibenta online, tignan mo ito: Mga Bagay na Pwede Mong Ibenta Online

#2 Humanap ng supplier o gumawa ng sarili mong product.

Next step natin ay ang paghahanap na ng mismong product. Pwedeng gumawa ka ng sarili mong product. Maganda ito para sa mga artistic persons. Kapag ikaw ang gagawa ng sarili mong product, less na ang puhunan. Pero kakain naman ito ng oras. Pero paano naman kung hindi ako artistic o mala-creator ang talent? Wala na bang pag-asa?

Syempre, meron! Kailangan mo lang humanap ng supplier o ng gagawa ng product para sa iyo. Mas mangangailangan lang ito ng puhunan. Pwede kang mag-outsource sa mga sites like Fiverr, 199jobs, at iba pa. O kaya naman ay maghanap ng supplier locally. Baka dyan sa paligid mo o sa mga kapitbahay mo ay may gumagawa ng product na gusto mong ibenta. Huwag mahihiyang magtanong.

Pwede ka ring sumali sa mga forums o kaya naman ay FB Groups para maghanap ng supplier.

BASAHIN:

#3 Mag-decide kung saan ka magbebenta.

Maraming platforms ngayon na pwede kang pagbentahan. Pinakasikat na ngayon ang Shopee at Lazada. May article din kami kung paano magbenta sa Shopee.

O kung masyadong overwhelming ang Shopee at Lazada para sa iyo, mayroon na ring Facebook marketplace. Pwede ka ring magbenta sa Instagram, Pinterest, Facebook groups, Messenger, Viber Groups, Telegram Groups at marami pang iba.

Tip ko lang, wag kang magbenta sa lahat. Kumbaga pumili ka ng isa. Yun ang main branch mo. Kapag naging gamay mo na, saka ka gumawa sa iba o parang ibang branch mo.

#4 Mag-promote ng iyong product.

Gaya ng isang normal na tindahan, may bibili lang sa iyo kapag nakikita ng ibang tao na may tindahan ka at alam nilang may tinitinda ka na kailangan nila. So, sa pagtitinda mo online, kailangang may nakakakita rin ng ino-offer mo.

Mag-promote ka ng iyong mga products. Pwedeng pwedeng gawin sa mga social media platforms. O kaya naman ay pag-aralan mo na rin ang Facebook ads para mas maraming marating na potential customer ang tindahan mo.

More Tips sa Pagbebenta Online

  • Maging consistent sa pagpo-promote. Hindi ito “setup ngayon, yaman bukas”.
  • Huwag magbebenta ng ilegal at peke. Or simply, wag magbebenta ng ikakasira ng pangalan mo.
  • Maging consistent sa pagpo-promote at good customer service.
  • Huwag matakot mag-experiment sa pagsubok sa bagong product at sa bagong marketing strategy.
  • Alamin ang 4 na dahilan kung bakit gustong bumili ng tao online at gamitin ito sa iyong advantage.
  • Kilalanin mo ang iyong market. Kilalanin mo ang iyong customer.
error: Content is protected !!